Madami ang customer ng araw na iyon kaya hindi ko namalayan na pasado ala una na pala. Nang may biglang tumawag sa telephono. "Hi good afternoon, this is Irene Claveria, may I help you?" wika ko. Natigilan naman si Mike dahil sa boses nito. What a sweet voice. Parang kahit yata galit ang tumawag, marinig lang ang ganitong boses, mawawala talaga ang galit. Ang layo ng bunganga niya sa personal ha. Gustong matawa ni Mike sa huling naisip. "Hello?" wika ko pa sa kabilang linya. Doon naman natauhan si Mike. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Hindi ba sinabi ko sa'yong pumunta ka rito sa conference room." Nagulat naman ako sa nagsalita. Akalain mo, ang boss ko lang pala. "Marami kasi sir customer, kaya hindi ko naalala." Pagsusungit ko rito kasabay ng pag-irap. Tsk, kahit magsungit,

