Araw-araw palagi akong binibigyan ng flowers ni Mic, sinusundo niya rin ako sa condo para ihatid sa shop ni Zia. Madalas din kaming mag-date. Pinapakita niya talaga kung gaano niya ako kagusto. Dahil sa mapagbiro ito kaya palagi na lang akong natatawa sa tuwing babanat ito ng mga kalukuhan niya. Hindi ko naman maiwasan na lalong mapalapit ang loob ko sa kaniya. Mahigit isang taon na rin ako sa Australia. Minsan kinausap ako ni Zia sa opisina nito sa shop. "Bes, I have something to tell you," seryosong wika nito. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. "What is it bes?" tanong ko sa kaniya. "Hmm, remember last yesterday, iyong kausap kong customers?" tanong nito sa akin. "Yeah I remembered, isa sa may-ari ng company dito na kumukuha ng bigating model," sagot ko. "Exactly bes, that's wh

