Dahan dahan na naglakad si kathryn pabalik sa van nila hindi alintana ang lahat ng tao na nakasaksi sa away nila hindi man lang nilingon si daniel na nanatili lang na nakaluhod habang humahagulgol . Tama lang sa kanya yun ... Tama lang na maramdaman nya yung sakit na naramdaman ko nung mga araw na ako ang pinagtabuyan nya .. Gusto ko namnamin nya lahat ng sinabi ko para marealized nya lahat lahat ng pinagdaanan ko sa kamay nya . Mabilis syang pumasok ng van ng makarating sya sa harap ng entrance nandun na ang mama nya na tila kanina pa nagaalala sa kanya "Anak bakit antagal--" "Ma .... mama" mahigpit nyang niyakap ang ina at hindi na napigilan ang mga luha na kanina nya pa iniipon Humihikbi sya habang nakahawak sa kanyang sinapupunan "Ssshhh... anong nangyari?" Umiling sya

