"Nasan na si daniel ?" Tanong ni mama ng makapasok sya sa kwarto ko "Huh? " parang namawis ang palad ko at binuhat si sab bago inihiga sa kama "ka video call ko kanina ma . Pasensya na at di ko agad nabuksan yung pinto kasi si sab nagising agad puno na pala ang diaper" tinangal ko ang diaper ni sab at umarteng kanina ko pa inaasikaso ang anak ko "Hindi mo sya kasama dito? Bakit parang narinig ko ang boses nya kanina" Parang nanginginig ang binti ko sa tanong ni mama .. saglit pa akong napatingin sa pinto ng terrace kung saan nagtatago si daniel na nakahubad . "Kasi nga ma nagvideo chat kame nag goodmorning lang samin ni sab papunta na sya ng taping ngayun eh " Tila parang hindi naniniwala ang ina lumapit ito sa kama at tumingin sa ilalim "Anong hinahanap mo dyan ma ?" "Baka n

