Caiden’s POV Matapos ang engkwentro kanina ay nagpatuloy na ako pag-drive sa tamang landas. Hindi na nakapagtataka ang galing ng Arcadian lalo at nakasabay ito sa bilis namin at natunton kung nasaan man kami gayong bilang sekretarya ni Vaughn ay ako lang ang may alam ng schedule niya. Hindi ko maiwasang sipatin si Miss Maple na natutulog sa passenger seat. Suot pa rin nito ang bigay kong headset at mahimbing ang pagkakapuwesto sa harap. Inilingon ko ang tingin kay Vaughn na na kay Miss Maple din ang atensyon. Nang makabalik kami kanina, akala ko ay magpapaliwanag ako kaagad dahil sa biglaang pasa sa aking mukha. Mabuti na lang at nakatulog siya kaya’t hindi ko kailagang magsalita lalo pa at hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Ngunit bakit ganoon? May iba akong nararamdaman. Not

