Caiden’s POV “It’s been weeks that you haven’t contacted Miss Maple yet. Ayaw mo na ba sa kaniya?” Tanong ko kay Vaughn na nakaupo ngayon sa swivel chair sa opisina. Busy ito pagtipa sa kung ano at napatigil ng marinig ang sinabi niya. “There’s always a time for that,” sambit niya at muling itinuon ang atensyon pabalik sa ginagawa. Napailing na lang ako sa sinabi nito at napabuntong hininga habang naglalakad patungo sa bagong gawang bintana dito sa opisina. Nadako ang tingin niya sa parking lot at hindi niya maiwasan ang mapangiti nang maalala kung paano sila nagkita ng dalaga. Nasa ganito din siya noon at pinapanood ang pagpasok ng dalaga at muling paglabas nito. Napailing ito nang bigla na lang siyang utusan pababa ni Vaughn kahit pa ang totoo ay gusto niya lang ipakaon ang

