Finn’s POV “What the hell do you mean na nakatakas siya?” Sigaw ni dad kasabay ng pagdapo ng palad sa pisngi ng anak. Kakauwi lang nito mula sa airport at agad niya itong ipinasundo sa tauhan para mag-report sa kaniya. Hindi ako pumalag at hinayaan lang siya sa gusto niya. Masyadong pagod ang aking katawan para indahin pa ang p*******t niya. Hindi na din ako nakapalag kanina nang ipasundo niya ako sa tauhan niya. “Napakatanga mo, Finn! Nasa iyo na si Madi pinakawalan mo pa! Ano bang nangyayari sa ‘yo? Dati-rati lahat ng ipinagawa ko ay nagagawa mo ng maayos tapos ngayon ano?!” Nanggigigil na tanong niya habang nagpapabalik-balik ng lakad. Nanatili akong nakatungo at nakaiwas ang tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano siya papakisamahan lalo pa at hindi maganda ang huling utos niya

