Third Person’s POV “Oh Miss Maple, I thought you’re taking an early leave? May naiwan ka?” Takang tanong ni Caiden nang pumasok si Madeline sa loob ng opisina. Agad niyang sinipat ang orasan at nakitang alas diyes na, halos apat na oras mula noong umalis ang dalaga kanina. “It’s starting to rain outside. Gusto niyo ba ng hot soup?” Walang emosyong tanong niya. Nagkatinginan si Caiden at si Vaughn at halata sa mukha ng una ang pagtataka. Samantala, unti-unting kumurba ang ngisi sa labi ni Vaughn at inilipat ang tingin sa malaking bintana kung saan kita ang cityscapes maging ang pagbagsak ng ulan sa siyudad. “Do as you please,” sagot nito at muling itinuon ang atensyon sa laptop. Walang kibong tinungo ni Madi ang kusina at nagsimulang maghanda ng makakain. Ibinuhos niya lahat ng ate

