Xiara's POV After 4 years.. "Magandang umaga po, Aling Eva." nakangiti kong bati habang inaayos ko ang mga bulaklak na idedeliver mamayang alas siete sa Maynila. "Magandang umaga din sayo, hija. Napakaaga mo naman atang pumunta rito. Mamaya niyan ay mawalan ka na ng panahon kay Sandro." sabi pa nito at tinulungan ako sa pagbubuhat ng paso. "Hindi naman po sa ganoon, Aling Eva. Kaya po ako pumasok ng maaga ngayon ay para sana makauwi ng maaga. Balak ko po sanang ipasyal siya ng ako ang kasama." malumanay kong wika rito. Tumango tango ito at nginitian pa ako. "Alam mo, Ella. Napakalaki na talaga ng ipinagbago mo. Noong unang mga araw mo pa lang sa akin ay hindi kita kailanman nakitaan ng saya. Para ka pang may sakit noon dahil sa kapayatan mo pero tignan mo. Gumaganda ka habang tumataga

