Chapter 6 (Bisita)

3022 Words
"I'm your husband," diretsong sabi ni Cleyeol. Tumahimik ako saglit para isipin niya na mukha akong nagulat. Balak ko talaga na makita niyang wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi niya. Hindi siya umaalis dahil hinihintay niya sigurong magsalita ako. Nang mapansin niyang hindi ako nagsalita ay tsaka siya muling humarap sa akin. Pagtatakang reaksiyon ang ipinakita ko sa kaniya para maging makatotohanan ang aking palabas. "Surprised? Sigurado akong hindi mo iyon inaasayan, hindi ba?" tanong niya habang nakangisi sa akin. Akala talaga niya ay nagulat ako sa kaniyang sinabi. Tumango ako at nagpanggap na hindi ko pa alam ang tungkol doon. Halata sa mukha niya na siya ay natutuwa sa mga nangyayari. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Ploira tungkol sa asawa ni Cleyeol. "Kaya ka ba galit sa akin ay dahil malandi ako noon, tulad nang sinabi ni Ploira?" tanong ko sa kaniya. Nagbabadya ang luha sa aking mga mata, ramdam ko na bubuhos ito depende sa kaniyang sasabihin. Pinipilit ko pa ring maging matatag para sa katotohanan, kailangan ko malaman ang katotohanan. Hindi ulit siya umimik at tumingin palayo sa akin. Parang pakiramdam ko ay hindi niya ako kayang tingnan sa aking mga mata. Malandi ba ako dati? Ganoong klase ng babae ba talaga ako noon? Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at tuluyan na itong tumulo. Pinawi ko agad ito dahil nakikita ko sa kaniya na wala naman siyang pakialam sa aking nararamdaman. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Napakasakit nito para sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Tumalikod ako mula kay Cleyeol para tumakbo pabalik sa aking kwarto. Tumakbo ako nang mabilis palayo sa kaniya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siya. Pagkapasok ko sa kwarto ay doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Sinigurado kong naka-lock ko ang pintuan ng kwarto ko dahil ayokong may mag-alala sa akin at ayoko ring may makarinig o makakita na ako ay umiiyak. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gustong-gusto ko na talagang bumalik ang mga alaala ko. Gusto kong malaman kung malandi ba talaga ako o masamang tao tulad ng sinasabi nila. Wala man lang akong ideya kung ano ang nakaraan ko. Hindi ko naman siguro ginusto ang mga nangyari o ginawa ko noon sa nakaraan. Maya-maya pa ay hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Ilang oras na yata akong nakatulog, hindi ko alam kung anong oras na. Naalimpungatan lang ako dahil sa lakas ng katok at ni Manang habang tinatawag ng malakas ang aking pangalan. Dali-dali naman akong bumangon at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mugto ang aking mga mata at halatang umiyak. Dumapa ulit ako sa higaan at kinuha ang unan ko para itakip sa aking ulo. Ayokong lumabas dahil ayokong talagang makita nila akong ganito. "Cleyeol, dala mo ba ang susi? Baka ano na ang nangyari sa asawa mong iyon, sobra na akong nag aalala sa kaniya," Sa sobrang lakas ng boses ni manang, narinig ko tuloy ang pangalan ng lalaking iyon. Naiirita ako ngayon kaya ayaw ko munang marinig ang pangalan niya. Pilit pa rin nilang binubuksan ang aking pinto. Naisip kong tabunan ang sarili ko ng kumot para magpanggap na tulog para hindi nila mapansin ang mata ko. Maya-maya pa ay narinig kong nabuksan na nila ang pinto. Dali-daling lumapit naman sa akin si Manang. "Jusko kang bata ka! Pinag-alala mo ako. Ilang oras kang hindi matawag. Tulog lang pala," saad ni Manang. Halatang-halata sa boses ni Manang ang pag-aalala. Nakatulog naman talaga ako kanina pero sadyang nagpapanggap lang ako ngayon dahil ayaw kong makita si Cleyeol. "Pasensya na sa abala, Cleyeol. Masyado lang talaga akong nag-alala kay Klejerie. Parang pakiramdam ko kasi ako ang nahihirapan sa tuwing nakikita kong nag-kakaganiyan siya. Ayokong nakikitang ganiyan ang aking alaga," saad ni Manang. Bumuntong hininga si Manang habang nakatingin kay Cleyeol. Siguro ay dahil hindi sumagot si Cleyeol sa kaniyang sinasabi. Alam niya rin siguro na nawala talaga ang pakialam sa akin si Cleyeol. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang pakialam sa akin, halata naman na hindi niya ako mahal. Pero ang ipinagtataga ko lang ay kung bakit mayroon siyang susi ng aking kwarto. Wala na ba akong privacy sa bahay na ito? Talagang gusto niya ay hawak niya ako palagi sa leeg? Hindi ko na alam kung makakaya ko pa ba ang ganitong sitwasyon. "Nalipasan na siguro ng gutom ang batang ito. Hindi na siya nakakain ng hapunan. Anong oras na? 2am na pala. Ipadadala ko na lang dito ang pagkain niya. Pero hindi ko alam kung kakainin niya ba iyon," sambit ni Manang. "Sandali nga at ipapakuha ko lang iyon." Para namang walang kausap si Manang dahil hindi naman sumasagot si Cleyeol. Akala mo ay pipi o ginto ang boses na para bang tinitipid para hindi magsalita. Narinig ko na ang mga footsteps palabas ng kwarto at pagkatapos ay isinarado na ang pintuan. Agad akong humarap at sumilip sa paligid dahil akala ko ay wala nang naiwan. Nagkakamali pala ako, nakatayo lang pala ang lalaking ito sa may malapit sa paanan ko. Akala ko ay kasabay siya ni Manang sa pag-labas. Mariing nakatingin lamang ito sa akin at baka sinusuri ako kung totoong natutulog ba. Napataklob naman agad ako ng kumot noong nakita ko siya. Bakit nandito pa ito? Bakit ang galing niya lagi sa timing. Nahihiya ako sa pag-iyak sa harapan niya kanina tapos mahuhuli niya pa akong gising at mugto ang mga mata? Pati ba naman sa mga ganitong bagay ay natatalo niya pa rin ako. Tumalikod ako sa kaniya, ayaw ko pa rin siyang makita. Sa tuwing naaalala o nakikita ko siya ang bumabalik sa akin ang pakiramdam na ako ay binabalewala. Narinig kong bumuntong hininga siya. Bakit ba kasi nandito ito? Ayaw niya ba akong magkaroon ng matiwasay na buhay? "Tulog pa rin ba siya?" tanong ni Manang, na parang may hila-hilang bakal, lagayan ng pagkain. "Klejerie, kumain ka na. Masama ang nalilipasan ng gutom. Narito na ang pagkain," saad ni Manang. Paano ako haharap kay Manang? Nakakahiya naman na ganito ang mga mata ko. "I will eat later, Manang. Iwan ninyo na lang po diyan. Naabala ko pa po kayo. Matulog na po kayo," sabi ko kahit nakatalikod pa rin sa kanila. "Masama ba pakiramdam mo, Iha?" tanong pa ni Manang. "Hindi naman po. Nakatulog lang po talaga at inaantok po," sagot ko. "O siya, mauuna na ako. Ipalabas mo na lang sa mga nagbabantay sa labas ng kwarto mo ito pagkatapos," ika ni Manang. Marahan naman akong tumango. Napansin ko naman ang reflection ni Cleyeol sa may salamin sa ibaba. Nakatingin ito sa akin. Hindi pa siya umaalis. Napatingin naman siya sa salaming tinitignan ko. Mind reader ba siya? Nakakainis. Madali ba akong i-predict? "Eat or I will not leave," masungit na sabi ni Cleyeol. Naramdaman ko ang pag-uga ng aking higaan. Umupo siya. Padabog ko namang tinanggal ang nakakumot sa akin. Inayos ko ito pagkatapos ay nagmadali akong maglinis ng sarili sa CR. Hindi nga siya umalis. Sinimulan ko naman ang pagkain. Nako-conscious ako dahil nakatingin lang siya. "Bakit ka ba laging nakatingin?" iritang tanong ko sa kaniya. "Baka tumakas ka na naman," simpleng sagot niya. Kinabukasan ay nag-ayos agad ako. Katabi ko si Cleyeol habang hinihintay na dumating ang aking mga magulang. Kinakabahan ako sa aming pagkikita, pero naniniwala ako na may maayos akong mga magulang. Nananalangin ako na sana ay matulungan nila akong maibalik ang mga alaala ko. Gusto ko rin malaman ang kuwento tungkol sa akin. Ngayon ko lang napansin na ang tangkad din pala ni Cleyeol. Mabuti na lang ay matangkad din ako. Napatingin naman ako kay Ploira na nakataas ang kilay sa akin. Talagang pinapakita niya sa akin na ayaw niyang makasama ako. Napangiti ako nang biglang may dumating na mga sasakyan. Excited na akong makita ang mga magulang ko. May mag-asawa na dumating. Agad nila akong niyakap, ganoon din naman ang aking ginawa. "Flixira, I missed you. I'm sorry kung hindi ka namin agad nadalaw. We love you," saad ng babae. Napaluha siya habang nakayakap sa akin. Ramdam ko ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay walang bumahalik na mga ala-ala sa akin. "Flixira, alam na naming nawalan ka ng alaala. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Hindi ko alam kung anong gagawin namin ng Mommy mo para matulungan kang maibalik ang mga alaala mo," dagdag pa ng babae. Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Hindi siya ang aking mom? Kung ganoon, sino siya? "Ayos lang po. Babalik din naman po iyan sa tamang panahon. Ayoko lang din pong pilitin ang aking sarili na makaalala. Baka po lalong lumala," saad ko. "Ako ang best friend ng Mom mo. May inaasikasong business ang mga magulang mo kaya hindi sila nakapunta ngayon. May mahalaga lang silang kailangang tapusin. You can call me Tita Seia at siya naman si Tito Renner, ang asawa ko," saad ng babae. Niyakag naman ng ina ni Cleyeol ang mga kaibigan ng mga magulang ko na kumain. Katabi ko pa rin si Cleyeol s hapagkainan. Ang kinaibahan lang, ngumingiti siya sa aking mga bisita. Sa akin, hindi niya iyan magawa. Tahimik naman akong kumakain. Para akong hangin dito na hindi nila nakikita. Nag-uusap sila tungkol sa business kaya hindi ko sila maintindihan. Napapikit ako nang mariin. Napahawak ako sa aking noo dahil sumasakit ang aking ulo. Naramdaman ko ang haplos ng kamay sa aking likod. Napadilat ako ng aking mga mata. Kinakausap ako ni Cleyeol pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Naramdaman ko na lang na sinalo niya ako. Nagkamalay ako pero hindi ako nagmumulat ng mga mata dahil naririnig ko ang mga salita sa aking paligid. "Hindi ko kayang makitang nagkakaganito ang anak ni Kremi. Dahil ba sa atin kaya siya nahimatay? May naalala kaya siya?" tanong ni Tita Seia. "Kung magkakaroon ng mga alala si Flixira pero mahihimatay din, sobrang hirap siguro para sa kaniya nito," saad ni Tito Renner. "Magiging maayos din ang lahat, Hon. Naniniwala ako kay Flixira," saad ni Tita Seia. Natutuwa ako na kahit papaano ay may ganitong klaseng mga kaibihan ang aking mga magulang. Parang tinuturing na rin nila akong sarili nilang anak. "Cleyeol, aalis din kami ngayon. Sana ay alagaan mo ang anak ng kaibigan namin. Gusto siyang dalhin sa ibang bansa pero alam nila na mas ligtas siya rito," saad ni Tita Seia. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Nasa panganib ba talaga ang buhay ko? Kailangan nila akong itago sa ibang tao. Kaya ba ako nasa ganitong sitwasyon ngayon? Kung sabagay, pinakasalan ko ang isang mayamang katulad ni Cleyeol, marami sigurong hindi sang-ayon sa amin. "Huwag po kayong mag-alala. Pakisabi na rin po kay Mama na maayos po ang kalagayan niya," saad ni Cleyeol. Mama? Mama ang tawag niya sa mommy ko? Gusto kong matawa sa sinabi ni Cleyeol. Hindi naman niya ako inaalagaan. Pinaparamdam niya pa sa akin na isa akong pabigat. Minulat ko ang aking mga mata at si Cleyeol na nakatingin sa akin ang una kong nakita. Ang galing naman naman ng pagkakataon. "Flixira!" Agad na lumapit sa akin si Tita Seia. Tanong niya. "Are you okay?" "Yes, Tita Seia," sagot ko. "May naalala ka ba?" tanong ng Mom ni Cleyeol. "Parang may napanaginipan lang po ako na puting bahay. Iyon lang po. Sa puyat at pagod lang," paliwanag ko. "Puting bahay? Anong mayroon doon? Naaalala mo ba?" tanong ni Manang. Umiling naman ako. Wala na akong ibang naaalala bukod doon. At tsaka, mukhang hindi naman iyon importante para aking mga alaala. "Pero may napanaginipan po ako kanina. Isang lalaking walang mukha na hinihila ako. Natatakot po ako. Parang totoo po kasi," dagdag ko pa. Nakakunot ang kanilang mga noo. Well, normal lang naman ang magkaroon ng masamang panaginip kaya hindi na nila kailangan mag-alala. "Don't worry, I will call Arturo," ika ni Cleyeol sa mga kaibigan ng parents ko. "Maraming salamat, Cleyeol. Siguro ay connected ito sa nangyari. Sana ay hindi totoo ang sinasabi niya. Kapag nalaman kong nagsisinungaling siya, hinding-hindi ko siya mapapatawad," saad ni Tita Seia, seryosong-seryosocang kaniyang reaction. Napabuka ang aking bibig. Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan at gustong iparating. Hindi inaalis ni Cleyeol ang tingin sa akin. "If it's not true, leave it to me," ika ni Cleyeol. "Balitaan mo agad kami. Pero walang patayang magaganap, Cleyeol. Maaasahan ko ba iyon?" saad naman ni Tito Renner. Nangako sa kanila si Cleyeol. Sana rin ay hindi connected ang pamilyang ito sa illegal na gawain. Mas lalong sumasakit ang aking ulo dahil sa usapan nilang hindi ko naman maintindihan. Mas mabuti pang huwag ko na lamang muna iyong intindihin. Bumangon ako at sabay tayo mula sa higaan. Agad na nag-abot ng tubig si Manang. Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat. Tumingin ako kay Manang at sumignal ako para lumapit sa akin. "Gusto ko po ng chocolate," bulong ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Bigla namang ngumiti si Manang na parang may kakaibang pinapahiwatig. "Bigyan mo ako ng limang minuto. Kukuha lang ako. Ito talagang bata na ito, mahilig sa matatamis. Lagi mo iyang nire-request dati, ngayon mo lang inulit," saad ni Manang, na para bang excited. Habang nag-uusap kami ni Manang ay nakamasid lamang sa amin sila Cleyeol. "Tita Seia, pwede po bang sumama sa inyo?" tanong ko, habang umaasa pa rin na makabalik sa totoo kong mya magulang. "Hindi maaari, Flixira. Mas ligtas ka rito. Si Cleyeol na ang bahala sa iyo. Isa pa, pakiusap din ng Mom mo na huwag hahayaan na umalis ka rito," sagot ni Tita Seia. "May iba rin po siyang trabaho. Hindi naman po palagi siyang magbabantay sa akin at ayoko rin po ng ganoong set up," saad ko. Kinukumbinsi ko sila na isama ako. "Hindi rin naman namin gusto ang isa't-isa," bulong ko pero mukhang narinig nila. Bumuntong hininga ang Mom ni Cleyeol at umalis na ng kwarto ko. Sanay na akong ganito ang pakikitungo nila sa akin. "Maiintindihan mo rin ang lahat kapag bumalik na ang mga alaala mo," saad ni Tito Renner. May kinuha siya sa kaniyang bag. Isa iyong cellphone at biglang inabot sa akin. "Keep this. Number lang namin, ng mga magulang mo at ni Cleyeol ang nakalagay diyan. May mga games din pero bawal kang gumamit ng social media accounts, kaya hindi mo iyan malalagyan ng kahit ano. Gamitin mo iyan para tawagan kami," saad ni Tito. Sumang-ayon na lamang ako. Kung iyon ang mas makabubuti sa akin, ayos lang. Tinanggap ko naman ito. Napangiti ako dahil pwede ko itong gamiting pang-picture man lamang ng mga magaganda kong nakikila. "Thank you po," ika ko. "Sa susunod na linggo ay may gaganaping event sa Mansion na ito, kaya naman ay makababalik kami rito. This time, ipakikilala ka namin sa mga investigator," saad ni Tita. Natuwa naman ako sa balita. Pero may naalala akong sinabi nila. Hindi naman kaya delikado iyon para sa amin? "Pero akala ko po ba delikado ang buhay ko?" tanong ko. "Hindi naman sa delikado. Sobrang nag-iingat lamang kami para sa kalagayan mo. Mas mabuti na ring masimulan na natin ang pag-iimbestiga sa nangyaring aksidente sa iyo," paliwanag ni Tita. "Ano po ba iyon? Iyon din po ba ang dahilan kung bakit ako nasabihang malandi?" nagtatakang tanong ko. Nanlaki ang kanilang mga mata. Si Cleyeol ay kumunot lang ang noo. Sakto namang pasok ni Manang, medyo nawala ang katahimikan at pagtataka nila. "Klej, hindi ka malandi. Hinding-hindi ka magiging ganoon. Kilala kita at alam kong inosente ka," pagsingiy ni Manang sa usapan. Ipinatong niya ang tray na may lamang iba't-ibang chocolates sa side table. "Okay lang po. Hindi ninyo naman pong kailangang i-comfort ako kung malandi naman po talaga ako noon. Wala na rin naman po akong magagawa kung ganoon man ang nangyari. Pero kung totoo nga po iyon, sigurado ako ngayon na hindi na ako katulad ng dati. Hindi ko magagawang sirain ang sarili kong pamilya para sa ibang tao," saad ko, nang hindi man lang ako tumitingin sa kanila. Ngumingiti ako kahit pilit. Kumuha ako ng chocolate at kinain iyon. Sa totoo lang, nalulungkot ako at naaawa sa sarili ko. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking mga luha. "Sino ang nagsabing malandi ka?" tanong ni Tita, na parang may halong galit ang tono. "Hindi na po mahalaga kung sino, Tita. I'm fine, it's fine," paninigurado ko kahit na iba ang pinapahiwatig ng damdamin ko. "I asked your best friend to stay here if she is free. Sasabihan niya raw kami kung kailan siya puwede. Sana ay makatulong siya sa pagpapanumbalik ng mga ala-ala mo. "Sino po siya?" tanong ko. Palihim akong nagpawi ng luhang patulo na sa isa kong mata, sabay harap sa kanila at ngumiti. Ayokong nakikita nila na mahina ako. "Kleri Javier, She's your childhood best friend. She's really busy but for you, isasantabi niya ang trabaho niya. She's a very successful woman. Kung hindi mo man siya naaalala, sana naman ay maging maganda ang pakikitungo ninyo sa isa't-isa," sagot ni Tita. Nakaramdam ako ng excitement. Sa wakas ay may iba akong makakasama. Sana lamang ay makatulong talaga siya sa pagpapanumbalik ng aking nga alaala. "Aalis na rin kami, Flixira. Marami kaming inaasikaso pero dahil para ka na rin naming sariling anak, bibigyan at bibigyan ka namin ng oras," paalam ni Tito Renner. "Thank you po, Tita Seia and Tito Renner. I'm looking forward to see you next week," saad ko. Niyakap naman nila akong dalawa. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan nila ako dahil kailangan ko raw magpahinga. Hinalikan nila ako sa aking pisngi bago umalis. Ihinatid naman sila ni Cleyeol sa kanilang sasakyan na dala. Napansin ko rin naman na may bodyguards silang dalawa. Maya-maya ay lumapit sa akin si Manang. "Itong Ploira na ito, ay naku! Sumosobra na siya. Gustong gusto ko na siyang kalbuhin dahil sa mga pinagsasabi nila. Kung nalaman ng mga magulang at tita mo na si Ploira ang managsabi nito, malamang ay mananagot iyon.m," nanggigigil na sabi ni Manang. Natawa naman ako sa panggigigil niya. Minsan ko lamang makita na ganoon si Manang kaseryoso minsan. Bigla kong naalala si Cleyeol. Bakit niya kaya hinahayaan na magpunta parati rito si Ploira? Sino ba siya sa buhay namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD