Halos alas kwatro na rin ng hapon ngayon. May isang lalaki na lumapit sa akin. Mukha siyang employee dahil naka suot siya ng uniform na para sa resort na ito. Mukhang bata pa ang isang ito. Gaano na kaya siya katagal nagtra-trabaho sa resort na ito? Palagay ko ay nasa twentys pa lamang siya. Agad namang siyang ngumiti sa akin, kaya ngumiti rin ako sa kaniya. May iniabot siya sa aking na isang papel at kinuha ko naman iyon. "Ate, pinabibigay po iyan ni Madam. Gusto niya na maging pamilyar ka sa mga pasikot-sikot at mga patakaran sa resort na ito. Nakasaad naman diyan lahat ng kailangan mong malaman. Aralin mo na lamang ang mga nakalagay diyan. Kung may tanong ka o gustong malaman ay pumunta ka lang sa information desk natin doon sa malapit sa lobby. Puwede ka ring mag tanong sa mga kap

