Umalis na si Cleyeol at nalaman ko lang iyon kay Manang. Kasabay nang pag-alis niya ay bigla ring nawala si Ploira. Hindi naman ako nagulat dahil expected ko na rin iyon. Mukhang magkasama silang dalawa ngayon. Sa tingin ko rin ay may ginagawa silang kakaiba.
"Manang, bakit po ba laging narito si Ploira? Sa tingin mo, siya po ba ang totoong mahal ni Cleyeol? Bakit po nagtitiis pa siya na makasama ako? Hindi ba dapat ay paalisin na lamang niya ako rito para hindi makasagabal sa kanilang dalawa?" sunud-sunod na tanong ko.
Malungkot na tumingin sa akin si Manang. Para bang nalulungkot siya sa kalagayan ko at naiintindihan ang nararamdaman ko. Tinapik ako ni Manang sa aking balikat. Saad niya, "Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Iha. Hindi magkakaroon si Cleyeol ng kabit. Hindi niya iyon gagawin dahil galit na galit siya sa ganoong sitwasyon. Pinahahalagahan niya rin ang kasal ninyo. Sigurado akong mahal ka ni Cleyeol at hindi ka niya kayang iwan. Wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ni Ploira." Napatingin na lamang ako kay Manang na may pag-aalala.
Bigla akong naguluhan. Hindi ba alam ni Manang na may kakaiba kay Cleyeol at kay Ploira? Siguro ay hindi niya nahuhuli ang dalawang iyon na magkasama. Kung ganoon ay posibleng lihim lang iyon? Tinatago rin pala nilang dalawa kay Manang ang ginagawa nilang kabuktutan. Kahit si Manang pala ay napapaikot ni Cleyeol sa kaniyang mga kamay. Ayaw rin siguro ni Cleyeol na malaman ni Manang ang mga pinaggagagawa nilang dalawa ni Ploira.
"Bakit parang hindi ka naniniwala, Klej? Alam mo kung ako sayo ay huwag ka na mag-alala. Si Ploira ay best friend lamang ni Cleyeol mula pagkabata kaya ganiyan siya ka-supportive sa asawa mo. Hindi ba dapat nga ay matuwa ka pa? Kasi may taong suportado ang relasyon niyo. Alisin mo na ang pagdududa riyan sa isipan mo, Klej," dagdag pa ni Manang.
"Pero, Manang, bakit niya po ako sinabihan ng malandi kung supportive po siya kay Cleyeol? Kaya hindi ko maalis na mag-isip ng kung ano sa kanilang dalawa. Does it mean na ayaw din sa akin ni Cleyeol dahil malandi raw ako sabi ni Ploira? Tingin ko nga ay si Ploira ang lumalason sa isip ni Cleyeol. Parang may masamang plano si Ploira sa relasyon namin ni Cleyeol," paglalahad ko kay Manang.
Huminga nang malalim si Manang. Alam ko naman na nakaka-stress sa part niya na marami akong tanong, lalo ngayon na wala pa akong naaalala. Ayaw din siguro niyang nag-aalinlangan ako sa relasyon namin ni Cleyeol. Ayaw din yata ni Manang na mag-hiwalay kami ni Cleyeol dahil kasal kaming dalawa.
Hindi ko tuloy malaman kung dapat pa ba akong mag-kwento ng mga saloobin ko kay Manang dahil baka magalit na siya sa akin kapag patuloy pa akong mag-duda sa pag-mamahal sa akin ni Cleyeol.
"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa iyo ito, pero kailangan mo na rin yatang malaman ang tungkol dito," nag-aalinlangang sinabi ni Manang.
"Ano iyon Manang? Ano ang dapat kong malaman?" tanong ko.
"Bago ka naaksidente ay naghihinala sila Ploira na may iba kang kinikita na lalaki. Pakiramdam ko ay naniwala sa kaniya si Cleyeol kaya biglang naging ganito ang pakikitungo niya sa iyo. Ang alam ko noon ay mahal ka ng asawa mo, mahal ninyo ang isa't-isa dahil masaya naman kayo bago nangyari ang aksidente," paliwanag ni Manang.
Lalo lamang akong naguluhan. Bakit naman ako magkakaroon ng ibang lalaki kung masaya naman kami ni Cleyeol? Ayokong maniwala sa sinabi ni Manang pero mukhang may kakaiba talagang plano si Ploira. Plano niya yata talagang sirain ang relasyon naming dalawa ni Cleyeol.
"Bakit ganoon? Hindi ko matanggap ang ganoong paratang nila sa akin? Bakit iyon nasabi ni Ploira? May pruweba ba siya na may kinikita akong lalaki noon bago pa man ako maaksidente? At isa pa, Manang, nakita ko po mismo si Cleyeol at Ploira na naghahalikan. Ako pa po ba ang may kabit? Tingin ko talaga ay pinlano lamang ni Ploira ang lahat ng ito. Gusto niya talagang agawin sa akin si Cleyeol kaya nilason niya ang isip nito noon pa man bago ako maaksidente," saad ko.
"Ano, Klej? Nakita mo silang naghahalikan?! Paano? Kailan? Sigurado ka ba sa sinasabi mong iyan? Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mong iyan, Klej!" gulat na tanong ni Manang.
Tumango ako. Inamin ko na rin sa kaniya ang nakita ko. Sana ay maniwala siya sa akin. Gusto ko na malaman ni Manang ang mga ginagawa ni Cleyeol at ni Ploira. Sana laman ay kampihan ako ni Manang para mawala na si Ploira sa buhay namin ni Cleyeol at baka sakaling bumalik na ang dating pag-mamahal niya sa akin, kahit na gusto ko na talagang makipag hiwalay sa kaniya.
"Opo kaya kapag nagkaroon ng chance po na magkausap kami, sasabihin ko po na mas mabuti pang maghiwalay na kami para hindi na po sila mahirapan sa pag-aalaga at pagtatago sa akin. Parang hindi ko na rin po kasi kaya ang sitwasyon ko ngayon, sobrang nahihirapan na rin ko kasi talaga ako. Ano pa pong rason na dito ako nakatira kung hindi ko naman po maramdaman ang halaga ko sa kanila? Kayo lamang po ang nagmamalasakit sa akin nang totoo," saad ko.
"Nakalulungkot namang malaman iyan, Iha. Sana ay maayos pa ninyo ni Cleyeol ito. Ayokong magkahiwalay kayong dalawang mag asawa. Lalo na at kasal pa naman kayong dalawa, sayang ang pag-sasama niyong dalawa. Naniniwala ako na hindi mo magagawa ang paratang nila, kaya noon pa man ay hindi ako naniniwalang may iba kang lalaki. Hayaan mo, malalampasan mo pa rin ang pagsubok na ito at tutulungan pa rin kita sa abot ng aking makakaya. Susubukan ko ring lapitan si Cleyeol at kausapin siya. Pero hanggang maaari, sana ay mapag-usapan ninyong mag-asawa ito nang mabuti. Sayang ang pinagsamahan ninyo," saad ni Manang.
"Sana nga po ay kayanin ko pa ang lahat ng ito, Manang. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko. Parang nauubos na ang pasensya ko sa lugar na ito," ika ko.
Pagkatapos namin mag-usap ni Manang ay umalis na siya para mag-gawa ng mga gawaing bahay. Ako naman ay bumalik sa aking kwarto. Habang nag-lalakad ako pabalik sa aking kwarto ay may napansin akong box na malapit sa labas ng kwarto ko. Siguro nakalimutan lang iligpit ni Manang ang box na ito. Sinilip ko ang laman ng box at nakita kong may laman itong mga kagamitan para sa pag pipinta.
Kinuha ko ang mga ito para subukang gamitin. Maganda pa ang kalagayan ng mga ito kaya mas lalo akong natuwa. Kinuha ko ang brush at binuksan ang takip ng isang paint. Ginamit ko ang mga ito sa isang blanko na canvas at nag pinta ng kung anong maisip ko. Nagulat ako nang malaman na marunong pala ako gumamit ng mga ganito. Naalala ko tuloy ang painting na hindi tapos. Gusto ko sanang ituloy ang naiwang ipinipinta kaso baka magalit sa akin ang may-ari noon kaya hindi ko na itinuloy.
Makalipas ng ilang araw ay naging maayos naman ang mga araw ko na wala si Cleyeol at Ploira. Hanggang ngayon ay wala pa silang dalawa. Hindi pa rin kaya alam ni Manang kung saan na ba sila pumunta? Pero sa totoo lamang ay mas gugustuhin ko pa na ganito ang sitwasyon, nakapaglilibang pati ako kahit ako lamang mag-isa. Hindi ko na kailangan maging conscious sa bawat ikinikilos ko at pakiramdam ko ay malaya ako mula sa mga nakakasakal na kamay ni Cleyeol.
Habang nakahiga ako sa aking kwarto ay naalala ko nanaman ang painting na hindi natapos at pinuntahan ko iyon sa art room. Bakit kaya hindi iyon tinapos ng may-ari? Sino kaya ang may-ari ng painting na iyon? Hindi ko masabi kung maganda ba talaga ang painting na ito o kung ano.
Habang pinagmamasdan ko ang painting ay biglang may kamay na humawak sa balikat ko. Halos mapasigaw ako sa takot. Lumingon ako sa aking likod at nakita ko si Manang na nakatayo sa aking likuran.
"Ako lamang ito, iha! Bakit gulat na gulat ka?" Natatawang tanong niya sa akin.
"Manang, nagulat ako sa iyo!" Natatawang tugon ko naman sa kaniya. Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa gulat.
"Napansin ko kasi na seryoso kang nakatingin sa painting na iyan. Pasensya ka na kung ginulat kita," ika ni Manang.
"Hay naku, Manang. Wag mo na uulitin iyon at baka atakihin ako sa puso dahil sa kaba," ika ko.
"Ang ganda ng painting na iyan, ano? Sa tuwing nakikita ko ang painting na iyan ay naaalala ko ang mga masasayang araw dito sa bahay na ito," pahayag ni Manang.
"Sayang naman yata ang panahon na ginugol para gawin ang artwork na iyan kung hindi lang rin naman tatapusin. Minsan tuloy naiisip ko na ako na lamang ang tumapos sa artwork para naman hindi masayang ito. Bakit kaya hindi na tinapos ang artwork na iyan?" tanong ko habang nakaturo sa hindi ginagalaw na painting. Hanggang ngayon ay naroon pa rin sa dating puwesto at parang walang may-ari noon dahil matagal ko na nakikitang nakatiwangwang lang.
"Sa totoo lang ay iyo ang artwork na iyan, Klej. Maaari mong ituloy kung gusto mo dahil ikaw naman talaga ang may gawa niyan. Ayaw lang ipagalaw ni Cleyeol iyan sa iba dahil ayaw niyang madumihan ang huli mong ginagawang obra. Alam kong hanggang ngayon ay pinapahalagahan niya ang gawa mo na iyan kahit hindi pa iyan tapos," sagot ni Manang.
Umupo ako sa harap ng hindi tapos na painting. Hinaplos ko ito. Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin maalala ang nakaraan.
Sinimulan ko itong pintahan. Ginugol ko ang buong linggo ko sa painting na ito. Masyado siyang malaki kaya hindi kaya ng isang araw. Ang pinagtataka ko ay sino ang couple sa aking ipinipinta. Nakatalikod ang mga ito habang nakatingin sa magandang tanawin. Hindi kaya kami ito ni Cleyeol?
Nabitawan ko ang paint brush nang may biglang pumasok na iba. Si Manang ay nakatulog kaya hinayaan ko muna siyang magpahinha. Kaya sino naman ang magtatangka na pumasok dito?
Paglingon ko ay si Cleyeol iyon. Nakapamulsa pa siya habang nakasandal sa nakabukas na pintuan. Sa sobrang gulat ko ay napatayo ako. Sobrang nakakahiya kapag nakita niya ito at kung kami man ito.
Nang papasok na siya ay kinuha ko ang chance na makalabas ng kwarto. Bago pa man ako makalabas ay hinila na niya ang aking kamay. Hindi ko sinasadyang mapayakap sa kaniya dahil sa lakas na rin ng kaniyang hila. Sobrang kabado na naman ako.
"Let go of me," utos ko.
"Anong nakita mo bago ako umalis?" seryosong tanong niya.
Binitawan niya ako. Galit akong tumingin sa kaniya. Bakit niya pa ako tatanungin kung alam naman pala niyang nakita ko sila?
"Excuse me? Alam kong aware ka na nakita ko kayo ni Ploira. Hindi mo na kailangang itago sa akin na may relasyon kayo dahil wala akong pakialam," bulong ko sa kaniya.
Ayokong marinig ni Manang na nag-aaway kami. Bigla na naman akong hinila ni Cleyeol, pero papunta sa kaniyang kwarto. Nagpupumiglas ako nang makalabas sa art room. Ang ibang mga bantay ay hindi makatingin sa amin, walang balak na awatin kami.
Ini-lock ni Cleyeol ang pintuan ng kaniyang kwarto. Napatingin ako sa buong paligid. May isang picture frame sa table niya na nakataob. Kinuha ko iyon at mapait akong natawa dahil wedding picture namin iyon. Ibinalik ko iyon sa dati niyang puwesto.
Pinapanood na pala ni Cleyeol ang aking ginagawa. Ngumiti ako sa kaniya pero galit ang aking nararamdaman. Ayoko nang makipaglokohan sa kaniya. Hindi na tamang magtagal pa ang galit kong ito.
"Iniisip mong may relasyon kami ni Ploira dahil nakita mo lamang kaming naghahalikan?" mapang-asar na tanong niya.
Mabilis akong lumapit sa kaniya para sampalin siya. Mabigat ang aking kamay kaya siguradong nasaktan siya sa aking ginawa.
"Naghahalikan lamang? Hindi ba mag-asawa tayo? Okay lang sa iyo na may iba kang kahalikan habang kasal ka sa iba?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "I can't believe you!"
Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay. Ang mapang-asar niyang mga mata ay mas lalong naging seryoso. Nakikita ko na ang galit sa kaniyang mga mata.
"Ako pa talaga ang sasabihan mo ng ganiyan, Flixira? Sino ba ang may kabit sa ating dalawa? Hindi ba ay ikaw? Pinili mong sumama sa tinatawag mong kaibigan mo, pero ang totoo ay lalaki mo pala! Pasalamat ka pa nga at buhay ka pa!" sigaw niya sa akin.
Nasampal ko ulit siya. Sobrang sakit ng mga ibinibintang niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Parang binibiyak ang aking puso dahil sa sitwasyon namin.
"Paano mo nasasabi iyan? May pruweba ka ba na nanlalaki ako? Kung masaya tayo noon, paano ko naman magagawang mangaliwa? Naniniwala ako na hindi ko iyon magagawa! Kung ganito lang din naman tayo, bakit hindi na lamang tayo maghiwalay? Ano pa ang saysay ng pagsasama natin kung hindi naman pala natin mahal ang isa't-isa? Alam kong hindi mo ako mahal, Cleyeol! Tigilan na lamang natin ito. Sakal na sakal na ako sa sitwasyon ko rito," saad ko habang umiiyak.
Nanghihina ang aking mga paa. Bumagsak na ako sa sahig at doon ay napaupo na. Ang sakit ng aking nararamdaman. Sana nga ay panaginip ito para hindi na ako nasasaktan pa.
"Iyan ba ang gusto mong gawin noon para mas makasama mo ang kabit mo? Pwes, pahihirapan kita tulad ng pagpapahirap mo sa akin noon. Walang maghihiwalay. Pagsisihan mo muna ang mga kasalanan mo sa akin," sambit niya.
"Paano ko pagsisisihan ang mga kasalanan na sinasabi mo kung wala akong maalala? Kapag napatunayan kong mali ang mga paratang ninyo sa akin, sana ay pakawalan mo na ako. Hindi ko na kayang makasama ka," singhal ko.
Pinilit kong tumayo at lumapit sa pintuan. Hindi naman niya ako pinigilan. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kaniyang reaction.
"Alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa ang mga paratang ninyo. Hanggang wala kayong pinapakita na pruweba, hindi ako maniniwala. Kung sisiraan ninyo ako ni Ploira, siguraduhin ninyong may matindi kayong patotoo. Sawang-sawa na ako, Cleyeol. Hindi ako makapaniwala na naging masaya tayo noon tulad nang sinasabi ni Mannag. Umasa ako na maaayos pa natin ang relasyon natin, hindi pala. Salamat na lamang. Hindi ko na kayang ibigay ang puso ko sa iyo dahil sasaktan mo lang din," dagdag ko pa.
Binuksan ko na ang pintuan. Hindi siya nagsasalita. Kinagat ko ang aking labi. Sumakto na nasa harap ng pintuan si Ploira. Nagulat siya na lumabas ako sa kwarto ni Cleyeol, palibhasa siya ang laging narito.
"Sana ay maging masaya kayong dalawa ni Ploira. Palayain ninyo na sana ako," seryosong sabi ko. Halos mapaatras si Ploira sa gulat dahil narinig iyon nila Manang at ng iba pa. "I hate you, Cleyeol!"
Tumakbo ako papunta sa aking kwarto. Agad ko iyong sinarado para hindi ako mahabol ni Manang. Gusto ko lamang ay mapag-isa.
Pumunta ako sa sulok at doon ko ibinuhos ang aking mga luha. Karma ko na ba ito kung totoo man na nagkaroon ako ng kabit?
"Mom, Dad, please kunin ninyo na ako rito. Nasaan na po ba kayo? Bakit ninyo ako hinayaan sa Mansion na ito? Hirap na hirap na po ako," saad ko kahit wala namang nakaririnig sa akin.
Yakap-yakap ko ang aking mga tuhod. Ibinuhos ko ang lahat ng aking hinanakit gamit ang pag-iyak. Akala ko ay makikipag-ayos sa akin si Cleyeol, pero sasaktan niya lang pala ako.
Maya-maya ay may yumuyugyog na sa aking katawan. Naalimpungatan ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nagmumukmok sa sulok.
"Klej, kumain ka na. Dinalhan na kita ng pagkain. Nagpalusot na lamang ako sa kanila na natutulog ka kaya dadalhan na lamang kita ng pagkain," saad ni Manang.
Agad akong yumakap sa kaniya. Siya lamang ang nakakaintindi sa akin. Gusto ko man humingi sa kaniya ng tulong para makaalis dito, kaso ayokong gawin dahil mapapahamak lamang siya.
"Pinalayas ni Cleyeol si Ploira pagkatapos ninyong mag-away na mag-asawa. Kahit sila Madam at Sir ay nagulat sa asta ni Cleyeol kay Ploira. Napahiya, kaya iyon, napilitang umalis," kuwento ni Manang.
"Manang, pagod na pagod na po ako sa relasyon na ito. Ang hirap makawala kung pilit niya akong sinasakal. Ayoko na po. Hindi po ito ang pangarap na pamilya. Sasaktan lang po namin ang isa't-isa," pag-amin ko.
"Klej, ano bang nangyari? Sobrang mugto ng iyong mga mata. Ano ba ang napag-usapan ninyo?" tanong ni Manang.
Kinuwento ko sa kaniya ang mga napag-usapan namin ni Cleyeol. Hindi pa rin mawala ang luha sa aking mga mata.
"Nagiging grabe na ang pananalita sa iyo ni Cleyeol. Dati ay botong-boto ako sa inyong dalawa. Kung lagi naman kitang makikita na nasasaktan, mabuti pa ngang makalaya ka na sa relasyon ninyo. Kaso paano?" ika ni Manang.
"Gusto ko pong tumakas sa araw ng event dito. Ang alam ko po ay magkakaroon ng event, gagawin ko po iyang paraan para makatakas at hanapin ang mga magulang ko," saad ko.
"Hindi mo magagawa iyan. Hindi ka allowed um-attend ng event na iyon. Magkakaroon ka ng maraming bantay at ang mga guwardya ay nakapalibot sa buong Mansion, lalo na sa labas," ika ni Manang.
"Nasaan na po ang aking mga magulang? Bakit po hindi nila ako kinukuha rito?" tanong ko.
Tumungo si Manang. Mukhang alam niya ang mga nangyayari sa akin. Niyugyog ko siya. Pakiusap ko, "Sabihin na po ninyo ang totoo. Ayoko pong magmukhang mangmang sa paningin ng pamilyang ito."
"Klej, hindi alam ng mga magulang mo na buhay ka pa. Palabas lang nila Cleyeol ang pagdalaw ng mga kaibigan ng parents mo. Ang totoo ay kapatid iyon ni Madam. Ang kaibigan mo na pupunta rito ay hindi rin totoo. Naaawa ako sa sitwasyon mo, kung alam mo lamang. Ang tagal kong kinikimkim ito at sana ay huwag makalalabas sa kanila na sinabi ko sa iyo ito," paliwanag ni Manang.
Napayukom ako ng aking mga kamay. Buong akala ko ay nagiging mabuti na sa akin ang mga magulang ni Cleyeol, niloloko lang pala nila ako.
Ito na ba ang pagganti nila sa akin dahil akala nila ay niloloko ko ang anak nila?
Patutunayan ko sa kanila na mali ang mga paratang nila sa akin.