Chapter 9

1690 Words
Chapter 9 "Gosh!" Nasapo ko ang sariling noo nang makabangon. Ginulo ko pa ang sariling buhok nang makita ang mga damit namin na nagkalat sa sahig! Ito kasing si Calix e! Talagang tinotoo 'yong sinabi kagabi na gutom siya at kung pwedeng ako nalang ang kainin niya, syempre isang halik niya lang bumigay kaagad ako! Napaka naman kasi, kapag hindi nakapagpigil talagang kahit saan susunggaban ako. And for the first time! We did it in his kitchen! Bwiset talaga ang lalaking 'yon. Ako ang ginawang hapunan! Bahagya kong sinilip ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Nag-init pa ang mukha ko nang makitang nakasuot na siya ng boxers samantalang ako ay wala ni isang suot! Naalala ko ang pinaggagagawa namin kagabi, sariwang sariwa 'yon sa isip ko. Pakiramdam ko nga kahit hindi na namin ginagawa ay nararamdaman ko pa rin siya sa loob ko. Weird pero gano'n talaga! Dahan dahan akong gumalaw upang 'wag siyang magising. Kinuha ko ang panty ko sa lapag at sinuot 'yon. Dinampot ko rin ang t-shirt niya at 'yon ang isinuot ko. Nang makapagbihis ay dumiretso ako sa banyo. Ginawa ko lang ang morning rituals ko saka ako dumiretso sa kitchen. Nang mapagtantong walang stocks ay tinawagan ko ang pinsan kong si Emmie para magpabili. Nabanggit niya kasi na dito sa building na 'to siya nakatira ngayon. Matapos ang ilang minuto, dumating na rin siya. Nagulat pa siya nang makitang panlalaki ang suot ko. Mukhang kahit hindi ko sabihin sa kanya ay alam na niya ang ginawa ko. Inanyayahan ko siyang mag-agahan pero katwiran niya'y may gagawin pa siya at baka makagulo pa sa amin ng boyfriend ko. Nagluto lang ako nang agahan pagkatapos ay naligo na. Buti nalang at may iilan na akong damit dito kaya kahit ilang beses kong balakin na matulog ay walang problema. Tulog na tulog pa si Calix ng iwan ko, ang himbing himbing no'n kaya hindi na rin ako nagabalang gisingin siya. Pumasok na ako sa trabaho. Pagkalabas ng building, pumara kaagad ako ng taxi papunta sa hospital. Pagpasok ko, napakaraming tao na naman ang bagong dating. Hindi lang no'ng araw nangyari ang gano'n, kundi maging sa mga sumunod pang mga araw. Tuloy ay halos hindi na ako nakauwi sa amin, hindi ko rin masyadong nakita at nakasama si Calix dahil balita ko'y umalis ito ng bansa para sa isang business trip. Lumipas ang isang buong linggo ng gano'n ang nangyari, kaya nang makatiyempo ako ng ilang araw na pahinga ay talagang nanatili lang ako sa bahay at bumawi ng tulog. Nang magising ako ay gabi na. Nagulat pa ako ng makita si Calix sa aking tabi at mahimbing na natutulog. He must be tired from his flight. Nakagat ko pa ang ibabang labi nang isiping pagkagaling sa airport ay dito pa siya dumiretso. Dahan dahan kong hinaplos ang pisngi niya. Natigil lang ako nang bigla siyang magmulat ng mata at tumitig sa akin. "Kanina ka pa gising?" tanong niya. "Hindi naman," sagot ko sabay ngiti. "I miss you." Isiniksik niya ang sarili sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. "I miss you too, sorry I got busy kaya hindi kita naihatid sa airport," paliwanag ko habang nilalaro ang kanyang buhok. "It's okay, naiintindihan ko," agap niya sabay halik sa leeg ko. That night, Calix stayed with us, sinaluhan niya kami sa dinner. He even brought pasalubongs kaya tuwang tuwa sina Mommy at Daddy. "Thank you for these Calix." si Mommy habang hawak hawak ang bag, sapatos at mga pampaganda na bigay ng boyfriend ko. Nagkatinginan kami ni Calix at sabay na natawa sa reaksyon ni Mommy. Kinabukasan, nagising ako ng masama ang pakiramdam. Parang bumabaliktad ang sikmura ko kaya dali dali akong nanakbo papasok sa banyo at doon dumuwal ng dumuwal, para akong nanghina matapos magsuka. Pakiramdam ko ay naisuka ko na lahat. Nagmumog lang ako ng tap water saka bumalik sa kama at naupo. Ipinagsawalang bahala ko ang bagay na 'yon dahil matapos kong magpahinga ay bumalik din sa dati ang pakiramdam ko. Pagbaba ko, naabutan ko si ate Luisa na inaayos ang platong kakainan ko. Nang makita ako ay 'ayun na naman ang napakalapad niyang ngiti. Sinenyasan na niya akong maupo kaya naman sumunod ako. Inabutan niya ako ng pancakes at maple syrup. Ilang minuto lang ay naubos ko na 'yon, nakakagulat pa na gusto ko pa ng ilang gano'n, buti nalang at marami siyang niluto. "Oh, drink your milk, ako mismo ang nagtimpla niyan." Iniabot niya sa akin ang baso na naglalaman ng gatas. Kinuha ko 'yon pero nang maamoy 'yon ay napatakip ako sa aking ilong at bibig! Para na naman akong maduduwal! Ang baho, bakit gano'n?! Mabilis kong inilapag sa lamesa ang baso at tinignan si Ate Luisa na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sa akin. "Anong problema?" nagaalala niyang tanong. Ngumiwi ako. "Ate bakit ganyan ang amoy ng gatas? Parang panis!" reklamo ko at tumayo na. Kumuha ako ng panibagong baso sa kusina saka uminom ng tubig. "Panis? E, gano'n pa rin naman ang amoy," aniya, naabutan ko siyang inamoy 'yon, nang hindi pa makatiis ay ininom niya rin 'yon. Nanatili akong nakatingin sa kanya, pinagmamasdan ang kanyang reaksyon, kung may magbabago ba roon pero mukha namang normal lang. "Naloloka ako sa 'yo ha! May sakit ka ba?" Hindi ko namalayang nakalapit na sa akin si Ate Luisa, kinapa niya pa ang noo at leeg ko para alamin ang temperatura ko. "Wala ka namang sakit," komento niya. "Masama lang ang pakiramdam ko Ate, sige na papasok na ako." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Lumabas na ako at dumiretso sa sasakyan ko. Pagpasok ko palang ay bigla na akong kinabahan pero agad din 'yong nawala sa isip ko nang sandamakmak na pasyente na naman ang inasikaso ko. Nang sumapit ang tanghalian ay noodles lang ang nakain ko dahil maya't maya ay ipinatatawag ako. Matapos asikasuhin ang mga tao sa ward ay bumalik ako sa opisina ko, pagpasok ko, naabutan ko ang isang paperbag sa ibabaw ng lamesa ko. Amoy palang, alam ko ng pagkain 'yon. May nakita pa akong note sa ibabaw no'n, binasa ko 'yon, napangiti ako nang mapagtantong kay Calix 'yon galing. Kinain ko na 'yon kaagad, sakto namang pagkatapos ko roon ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya. Ang ngiti ay 'ayun na naman sa aking labi, ewan ko ba...kahit yata gaano ako kabadtrip basta nandyan siya ay nawawala 'yon at nakakalimutan ko agad. From: Calix Kumain kana? Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya. To: Calix Yup, katatapos lang, salamat pala rito. Ilang segundo lang matapos ko 'yong isend ay nagreply na siya. From: Calix No worries, anything for my baby. Itatago ko na sana ang cellphone sa bag nang biglang may maalala. To: Calix Eh ikaw, kumain kana? Nakagat ko ang ibabang labi saka nagpaikot ikot sa aking swivel chair habang naghihintay sa reply niya. Nang mainip sa kahihintay ay nakatulog na ako sa lamesa ko. Nagising lang ako nanng marinig ang tunog ng cellphone ko. Mas nakadagdag sa ingay no'n 'yong vibration dahil nasa lamesa ito. Kinusot ko muna ang mata bago 'yon kinuha. Hindi na ako nagulat nang makitang si Calix 'yon. I quickly slid the answer button and placed it in my ear. Hindi pa man ako nakapagsasalita ay naunahan na niya ako. [Hey baby] "Hey hindi kana nagreply sa text ko, nakatulog ako kahihintay." Kunwaring nagtatampo kong sinabi. [Yeah, I'm sorry about that, bigla kasi akong ipinatawag sa meeting] Tumango ako na para bang makikita niya. "Kamusta naman ang meeting?" [It went well, medyo natagalan lang dahil marami pa kaming inayos para sa upcoming project next month] "Hmm, busy ka? Masusundo mo ba 'ko?" [Not sure, mapupuntahan mo ba 'ko rito ngayon?] Tinignan ko muna ang orasan bago ulit ibinalik kay Calix ang atensyon. It's past 8 pm and I don't think kailangan pa ako rito, siguro naman ay pwede na akong umuwi at pumunta sa boyfriend ko 'no? "Yes." [I'll wait for you then] "Sure, see you." Ibinaba ko na ang tawag saka nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili. Nang makuntento sa ayos no'n ay lumabas na ako ng opisina at binilinan ang nurse at iba pang naroon na kapag nagkaroon ng emergency ay 'wag mahiyang tawagan ako. Pumara ako ng taxi, ilang minuto lang at narating ko na agad ang opisina niya. Sumakay ako ng elevator paakyat sa floor na kinaroroonan ng office niya. Sinalubong ako ng secretary niya at ito ang nagdala sa akin sa kanya. Pagpasok ko, naabutan ko siyang nakatayo habang pinagmamasdan ang matataas na building sa labas. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. I hugged him from behind. Nang maramdaman ang presensya ko ay kaagad niya akong hinarap. "Calix..." "Yes baby?" tanong niya habang titig na titig sa akin. "May balak ka bang pakasalan ako?" Hindi ko alam kung bakit 'yan ang kusang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na napigilan eh. Oo at alam kong baguhan palang kami pero syempre gusto kong malaman ang plano niya sa buhay, kung kasama ba ako roon o kabilang. Natigilan siya at nag-iwas ng tingin. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito ang secretary niya. "Sir, nandyan na po si Ms. Issabel." "Sige susunod na ako." Tumango lang ang secretary niya at lumabas na. "Calix..." "Later na Kesh, I have to take care of some matters," aniya at nilampasan na 'ko. Natigilan ako at napayuko. Wala ba siyang balak pakasalan ako? Hindi ba ako kasama sa pinaplano niyang future? Nagalit ba siya kasi itinanong ko 'yon? Dapat ba hindi nalang? "Pero Calix—" "f**k, sinabi ng mamaya na Kesh." Nilingon niya ako pero bakas sa mukha niya ang inis na hindi ko alam kung saan nagmula. Napaatras ako at hindi nakapagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kanya, gulat sa inasta niya. "This can't wait," nag-iwas siyang muli ng tingin saka ako tinalikuran. Akala ko'y tapos na siyang magsalita pero hindi pa pala. "But you can." Iyon lang at iniwan na niya ako. ~to be continued~ ------ Baka madelay ang ilang updates kasi busy ako. Hope you understand, malapit na kasi ang pasukan, pero itatry ko pa ring magupdate!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD