Chapter 2
"Magsesearch nalang ako sa google," aniya at humagikgik pa. Pinanood ko lang siyang kuhanin ang kanyang cellphone sa bag.
Fine whatever! Hindi naman ako masyadong interesado sa isang 'yon.
"Carsen Landrix Fontanilla, ang full name niya, 27 years old na siya." Panimula niya pa, habang binabasa ang article sa google.
Seriously? Nagsearch talaga siya! Grabe ang babaeng ito!
"Oh so magkaedad lang pala kayo?" tanong nito, pero hindi ko nalang siya pinansin.
"Landrus Cordovan Fontanilla and Lynnea Penthesilea Salvidar-Fontanilla ang pangalan ng mga magulang niya, kabusiness partners sila ng Dad and Mom mo sa kumpanya pati na din dito sa hospital," pagpapatuloy niya sa binabasa.
Napatigil ako sa ginagawa ng marinig 'yon.
Kabusiness partners sila ng parents ko? Bakit hindi ko 'yon alam? Kaya ba okay lang sa Mommy ko na magkasama kami ni Calix no'ng nakaraan? Aish this is a disaster!
"O my g! kabusiness partners ng mga magulang mo! e, 'di kilala ka rin nila?" tanong niya pa ulit.
Nahilot ko ang sentido tsaka sumandal sa aking swivel chair. "Hindi ko alam," sagot ko naman.
Ngumisi siya. "Aba! Alamin mo bes," sabi niya pa.
Mabilis akong umiling. "I don't think that's necessary Angela," tanggi ko sa kanyang suhestyon. Hindi na siya nagsalita pa at sinimangutan lang ako. "Oh ano may itatanong ka pa ba?" tanong ko.
Napakamot siya sa kanyang ulo tsaka alaganganing ngumiti. "Ah...eh kumain ka na ba? Gusto mo sabay na tayong maglunch?"
Umiling ako. "Mamaya na siguro ako, isa pa busog ako, ikaw nalang mag-isa, next time nalang kita sasamahan," paliwanag ko
"Achuchu okay fine, sige na tapusin mo na yang ginagawa mo," sabi pa niya at tumayo na.
Tumango ako at ngumiti. "Sige na chupi."
Lumapit siya sa akin para humalik at yumakap. "Bye alis na 'ko bes, ingat ka!" Matapos 'yon, lumabas na siya ng office ko.
Nang matapos ko ang aking ginagawa ay agad akong lumabas ng opisina at papunta na sana sa kwarto ng isa kong patient nang biglang magring ang phone ko.
-Dad calling-
I sighed before sliding the answered button.
"Dad? why did you call?" tanong ko kaagad.
[Pwede ka bang pumunta muna dito sa office?] tanong niya.
Gosh, what is it this time? Sa t'wing papapuntahin nila ako sa opisina ay hindi maganda ang nangyayari. Last time na pumunta ako roon ay ipinakilala nila ako sa anak ng kabusiness partners nila. Itinutulak pa ako ni Mommy doon. She even set me up on a date with that guy! Gano'n nila ako kagustong mag-asawa na.
Nahilot ko na namang muli ang sentido. "Bakit po Dad? nasa hospital po kasi ako."
[We need you here Keshia] seryosong aniya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kapag ganyang seryoso si Dad, wala akong magagawa kundi sumunod nalang, hays. "Okay po pupunta ako."
[We'll wait for you okay?]
"Okay dad see you," tipid kong sinabi tsaka tuluyang ibinaba ang tawag.
Itinago ko ng muli ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko tsaka ipinagpatuloy ang paglalakad. Habang papunta ako sa isa kong patient ay may nakaagaw ng atensyon ko, may nadaanan akong isang pamilyar na babae na nakahiga roon sa isang hospital bed.
Nakagat ko ang ibabang labi habang nakatingin sa kanya. I was about to walked away when she called me.
"Keshia," tawag niya sa pangalan ko.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang boses na 'yon, dahan dahan kong hinarap 'yong babae na tumawag sa akin.
"Anong kailangan mo?" tanong ko at lumapit sa kanya.
She held my right hand. "I'm sorry," aniya.
Just by hearing those two words, bumalik na naman sa akin ang alaala ng nakaraan. Iyong mga panahon na nahuli ko siya, ang sarili kong best friend na may ginagawang kababalaghan kasama 'yong lalaking nanliligaw sa akin. It hurts kasi sasagutin ko na dapat 'yong lalaki na 'yon. I wanted to surprise him, pero ako ang nasurprise.
Para akong naestatwa no'n habang nakatingin sa kanila. Tumagal pa nga ng ilang sandali bago nila napansin ang presensya ko eh. After that, I cut all my ties with them. Hindi ko sila kinausap pa, I went abroad to study medicine. Namuhay ako roon ng ilang taon, sa gano'ng paraan ko nakalimutan lahat ng sakit na idinulot nila sa akin.
Pagkatapos ngayong nakabalik na ako, magpapakita na naman sila? Wow, just wow.
Para akong nagback to zero no'n. Bumalik bigla ang lahat, sariwang sariwa ulit na para bang kahapon lang nangyari.
Mapakla akong ngumiti tsaka binawi ang kamay ko sa kanya. "Sana naisip mo 'yan, bago ka pumatol sa kanya."
Naluluha siyang tumingin sa akin. "Mahal ko siya, hindi ko alam kung paanong sasabihin sa 'yo."
I gave her a cold stare. Iyong tipong wala siyang makikitang kahit na anong emosyon sa mata ko. "Kung kilala mo talaga ako at mahalaga ako sa 'yo, sasabihin mo kahit pa alam mong ikagagalit ko."
"I'm sorry," sinabi na naman niya.
"Sorry? Big word huh?" sabi ko tsaka sarkastikong natawa. "Sorry kasi nakipagsex ka sa kanya gano'n ba? Sorry kasi nasarapan kayo?"
"Buntis ako," bigla niyang sinabi na ikinagulat ko.
Natigilan ako, naiyukom ko ang kamao ko na naroon sa loob ng coat ko. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin pa 'yan sa akin, para ano? Saktan na naman ako? Hindi pa ba sila nakuntento sa ginawa nila sa akin?
"Anong gusto mong sabihin ko? Congrats?" I can't believe this girl really! Bakit ba may mga ganitong klase ng tao sa mundo?!
"Hindi mo manlang ba tatanungin kung sinong ama?" mahina niyang tanong.
I faked a laugh. "Are you even for real? Kailangan pa bang itanong 'yon Fey? E, sa ilang taon at ilang beses niyong ginawa 'yon ni Sam, hindi na ako magtataka kung mabuntis ka niya," dire-diretso kong sinabi. "Sinasayang mo lang ang oras ko, aalis na ako," malamig kong tugon tsaka siya tinalikuran.
Pero nakakailang hakbang palang ako nang bigla siyang nagsalita. "Mahal ka ni Sam."
Mariin akong pumikit, hinarap ko si Fey. "Wala na kayong maloloko rito, kaya tigil tigilan mo ako dahil hindi na ako ang dating Keshia na kilala mo," may diin kong turan.
Sasagot na sana ulit si Fey nang biglang dumating ang isang lalaki na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.
"Keshia," halos pabulong na sinabi ni Sam.
"Alagaan mo 'yang asawa mo, buntis." Iyon lang ang sinabi ko tsaka sila tinalikuran.
Narinig ko pang tinawag ako ni Sam, pero hindi na ako lumingon pa. Wala na akong pakialam pa sa kanila. Sinira nila ang tiwala ko.
Matapos kong puntahan ang pasyente ko sa araw na 'yon ay nagtungo na ako sa aking opisina. Huminga ako ng malalim bago tuluyang hubarin ang aking coat. Nagretouch pa ako ng kaunti bago tuluyang lisanin ang hospital.
Nang makarating ako sa entrance ng kumpanya, lahat ng madaanan ko ay binabati ako, so I did the same, binati ko sila at nginitian pabalik. Sanayan nalang din 'yan. Sumakay ako sa elevator, ilang sandali lang at narating ko na ang floor ng opisina nina Dad. Paglabas ko roon, sinalubong ako no'ng secretary ni Daddy na si Natalie.
"Good Afternoon po Ma'am," bati nito sa akin habang nakangiti.
Tinanguan ko siya at nginitian. "Good afternoon, nasaan sina Daddy at Mommy?" tanong ko.
"Ma'am Keshia nandoon po sila sa conference room, naghihintay." sagot niya at iginiya na ako papunta roon.
Habang papalapit ay hindi ko maiwasang kabahan, kaya inihanda handa ko na ang aking sarili. Paniguradong ipapakilala na naman nila ako sa anak ng kabusiness partners nila, worse baka i-set up na naman ako ng date ni Mommy.
Gosh, hindi ba sila napapagod? Hindi pa ba malinaw sa kanila na wala pa sa isip ko ang bagay na 'yon? Bata pa naman ako, marami pang oras kaya hindi rin ako masyadong nagmamadali. Mas nagaalala pa sila kaysa sa akin tsk.
Si Natalie ang naunang pumasok. Narinig ko pang inanunsiyo niya na narito na ako. Kaya inutusan na ito ng aking ina na papasukin ako. Muli akong bumuntong hininga bago naglakad papasok.
Pagpasok ko, ang paningin ko ay unti unting dumapo roon sa mga kasama ng aking mga magulang. Hindi ko naitago ang gulat ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki sa harapan ko mismo. What is the meaning of this? Bakit siya nandito? Oh, wait, kasama niya pa ang parents niya.
Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Mommy.
"Keshia, come here," aniya at sinenyasan akong lumapit sa kanila kaya sumunod ako. Naupo ako sa tabi ni Mommy, iyong katapat mismo no'ng lalaki na hindi ko inaasahang makita.
Titig na titig siya sa akin. Hindi ko mawari kung bakit. Tuloy ay hindi ko maiwasang mailang. Parang gusto ko nalang bigla umalis, pakiramdam ko kasi hindi ako makakatagal sa lugar na ito. Nagsisi ako na pumayag pa akong pumunta rito.
"We can start now tutal nandito na ang anak mo Kahlil," nakangiting ani Mr. Landrus.
Sinulyapan ako ni Daddy tsaka tinanguan ang kaibigan. "Sure."
Nagsimula na silang mag-usap at magdiscuss ng kung ano ano, pero kahit yata isa ay wala akong naintindihan sa mga 'yon. Of course it's all about business, ano ba namang malay ko sa mga gusto nilang mangyari e medisina ang kinuha ko?
I really don't understand kung bakit isinama pa nila ako sa meeting na 'to. Wala naman silang mapapala sa akin, they want my opinion? Wala akong maibibigay kasi hindi sapat ang kaalaman ko roon sa pinaguusapan nila.
Natigil lamang ako sa pagiisip nang bigla akong sikuhin ni Mommy. "Are you listening?" may pagkastrikto niyang tanong.
"I'm sorry, what is it? Nasaan na nga po tayo?" tanong ko, pero batid kong lahat sila ay narinig 'yon kaya napatingin sila sa akin.
Shit Keshia! Nakakahiya ka, ano nalang ang sasabihin ng mga bisita niyo? That you're not listening and paying attention? Pinapahiya mo ang magulang mo eh!
~to be continued~