Chapter 32 "Malapit na Kesh...nakikita ko na ang ulo." Humugot ako ng malalim na hininga saka umiri ng umiri. Kanina pa ako rito sa loob ng delivery room. Kanina pa rin ako iri nang iri. Pagod na ako pero hindi ako pwedeng sumuko o bumigay dahil anak ko ang pinaguusapan dito ngayon. Gusto ko siyang mailabas ng maayos at ligtas, iyong walang komplikasyon o ano pa. Napakasakit oo, pero pinili kong indahin para sa baby ko. Habang tumatagal, hindi ko na kinakaya ang sakit. And yes, may choice ako, kung tutuusin pu'pwede akong magtake ng pain killers pero minabuti kong hindi nalang. Gusto ko kasing maramdaman lahat ng sakit, miski iyong paglabas niya. "Ahh..." iri ko ulit, mas mahaba kumpara sa mga ginawa kong pag-iri kanina. Naiyukom ko ang pareho kong kamao dahil wala akong makapita

