Chapter 29 May party ngayon dito sa bahay namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan nina Mommy at Daddy at bigla nalang nagpaparty at kung sino sino pang inimbitahan. Of course, karamihan ay pulos mga kasamahan nila sa business, ang iba naman ay kakilala lang. Mom also told me that she invited some of my friends, nang tanungin ko naman kung sino ay hindi naman niya ako sinagot. Ang tanging sinabi niya lang ay maghintay ako at malalaman ko rin naman. Kaya 'ayun, wala na nga akong nagawa. Hindi ko na rin masyadong nakausap pa ang mga ito dahil nga masyado silang abala sa mga bisita. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng aming bahay. Napakaraming tao, okupado nila ang bawat sulok nito, well, maliban sa itaas dahil hindi naman kami nagpapaakyat doon, maliban nalang kung kamag-anak

