Cheska's POV "Meron kaming invitation galing sa LSM!" naningkit ang mga mata kong tumingin sa babaeng humiyaw. It's Hannah. "Wow! Really, Hannah? Paano ka nagkaroon?" tahimik lang akong nakikinig sa kanila. "Hannah, baka naman may isa ka diyan." Tumawa ito ng malakas. Papansin talaga. "Syempre, I have my ways! At tsaka hindi lang ako ang mayroon, si Tristan din exclusively for us." Pagmamalaki niya. Paano kaya nila nakuha 'yon? May bagong design ata silang ipapalabas. "Ang swerte mo naman, Hannah. Sana all makakasama." "Puwedi ko din namang gawan ng paraan." "Hihigadin niya ang may-ari o kaya 'yong managers para mapuslit ang pagmumukha niyang basura." Bulong ko. "Excuse me? May sinasabi ka?!" tumaas ang boses niya sa'kin. "Excuse me! Wala ka na atang respeto sa boss mo?" "

