“I CAN’T believe this. Tama ang hinala ko noong una pa lang na ibang tao ang kasama ko at hindi ang aking asawa,” nanghihinang sabi ko. “Hindi mo asawa si Patrick. Ako ang asawa mo.” Matalim ang mga matang nilingon ko siya. “Naging asawa mo lang ako dahil niloko ninyo ako ng mama mo,” may diing sabi ko. Malakas ang buntunghiningang pinakawalan niya. “Hindi ko naman sinsadyang gawin iyon. Pumayag ako na gawin iyon dahil akala ko makakatulong iyon sa iyo. Hindi ko naman akalain na aabot tayo ng ganito.” “At kung hindi ko pa aksidenteng narinig ang usapan ninyo ng Mama mo kagabi, hindi ko pa malalaman ang totoo na niloloko ninyo ako!” Napakuyom ang kamay ko sa galit. Gusto ko siyang saktan para malaman niya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. “Sasabihin ko rin naman ang toto

