Chapter 59 It’s better to stand and fight, if you run, you’ll die tired… Sa buhay ng isang tao, lahat may pinaglalaban, lahat gustong maging masaya, lahat gusto magkaroon ng payapang buhay. Ang gusto lang ni Bliss ay maging masaya at maging normal ang pamumuhay niya, pero alam niyang hindi ‘yun mangyayari dahil sa nalaman niyang buhay ng kaniyang ama na siya ang magpapatuloy. Naging masyadong kumplikado ang buhay niya pero hindi siya nagsisisi na naging mapanganib at kumplikado ang buhay niya dahil kasama at nasa tabi niya si Trace. Kung papipillin ni Bliss sakaling maulit ang lahat, pipiliin parin niya ang makasama si Trace kahit gaano kapanganib, kahit gaano kakumplikado. Ngayon ay nahaharap sila ni Trace sa isang malaking pagsubok, pagsubok na mula pa sa nakaraan na kaila

