Short Special Chapter “Mom! Wala pa po bang nag-apply sa shop natin? Hindi na ako maka-join sa gig ng mga friends ko dahil lagi akong pinagbabantay mo dito!” angal ni Margereth na sinamaan ng tingin ng kaniyang ina na nasa counter. Matapos umalis ni Bliss sa shop nila at magpaskil ng hiring na papalit sa mga naiwang gawain ni Bliss ay tatlong linggo na ang nakalipas pero wala paring naga-apply sa kanila kaya si Margareth ang gumagawa lahat. Nabalitaan pa nila ang kasal ni Bliss na sobrang ikina-inggit ni Margareth dito, naiinis siya dahil dati ay inaalipin lang nila si Bliss at pinahihirapan pero ngayong ay mayaman na at tagapagmana pa ng kilalang pamilya na hindi nila nalaman noon. “Pwede ba Marga manahimik ka na diyan! Wala ka ng ibang ginawa kundi magreklamo! Anong gusto

