FACE FOR SALE 1

1146 Words

Ngiting-ngiti si Dianne habang hindi mapakali sa kinauupuan. Excited siya dahil ngayon ang ika-anim na monthsary nila ng nobyo. Pasulyap-sulyap din siya sa mumurahing relo na nabili niya sa divisoria; quarter to eight na ang nakasaad na oras. Nagpa-reserve siya sa isang mamahaling restaurant na lagi nilang nadaraanan at gusto talaga niyang dito sila mag-celebrate ng kanilang monthsary. Malapit sa pinto ang puwesto niya para pagdating ng nobyo e, makikita siya kaagad nito. Kinapa niya rin ang regalo niya sa nobyo na nasa loob ng kaniyang lumang bag. Pinag-ipunan niya talaga ang pagbili niyon kahit pa huwag na lang ang mga gamit niya. Isa iyong mamahaling relo na nabili niya On-Line. Halos kalahati ng tunay na presyo pero makintab pa rin naman at hindi halatang second-hand, may box rin nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD