NAOMI'S POV
Nagising ako ng mayroong kumakatok sa pintuan ng apartment ko kaya naman ay napabangon ako at naglakad doon.
Pagbukas ko ay mukha ni Aling Bebet ang dumungaw doon.
"Good morning, Naomi." ngiting bati nito sa akin.
"Good morning din ho, Aling Bebet. agad kong bati din sa kanya habang mayroong ngiti sa labi.
"Bat po ikaw naparito?" deretso kong tanong.
"Ah, kaya pala ako naparito ay mayroong naghahanap sa'yo doon sa labas, guwapo at matiponong lalaki. Alam kong mayroong sasabihin iyon sa iyo kaya puntahan mo muna or baka sa bago mong trabaho." napatango naman ako kay Aling Bebet at nagpaalam na mag-aayos lang at lalabas na mamaya para harapin ang lalaki na nand'yan sa labas.
Dali-dali naman akong naligo at nag-ayos ng sarili ko bago lumabas ng bahay.
Nasa Hallway pa lang ako ng apartment ay mamumukhaan ko na ang lalaking tinutukoy ni Aling Bebet sa akin kaya naman ay napakunot-noo ako at naglakad na papunta sa kanya.
Noong nakita ako Rain ay ngumiti ito at kumaway sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at pumunta na sa harap niya.
"Bakit ka pala napapunta rito? At paano mo nalaman ang Bahay ko?" na may pagtataka na sabi ko sa kaniya.
"Nalaman ko lang ito noong sinundan kita no'ng isang gabi hindi mo kasi ako napansin habang naghihintay ka ng jeep." nakangiting sabi nito. "At nakita pa kita sa jeep na pagka-upo mo ay nakatulog ka kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sundan ka talaga. Baka kasi bastusin ka ng mga kasama mo doon sa jeep."
"Ah, so meron bang nangyare sa akin noong isang gabi?" umiling naman ito.
"Wala naman pala eh. So ano pala balak mo sa akin at pumunta ka dito?"
"Don't you remember last night?" napaisip naman ako sa sinabi niya. At no'ng naalala ko iyon ay napatango na lang ako.
"I'm here for that, so what's your decision?"
"Nope, I'm not totally agree with your deal. Kung iyong kahalikan mo na lang kaya kahapon ang yayain mo mas maganda pa. I'm sure matutuwa pa iyon at magsa-suggest na totohanin ang pagpapanggap niyo." sabi ko naman.
"That's why I don't want her. The last thing I want right now is Commitment.
Typical jerk "Paano mo naman masasabi na hindi ko isa-suggest na totohanin ang lahat?" saglit naman na hindi umimik si Rain at nagsalita ito.
"Well, for one thing, you don't love me. Secondly, I don't love you. I know that, I won't demand for you. Sigurado akong mare-restore ko ang aking pagiging bachelorhood kung sa `yo ako hihingi ng tulong Naomi."
Sa totoo lang ay pinapatay ko na siya sa isip ko. Pero magsasalita na sana ako ng magsabi ito.
"Remember that I told you last night that I'll pay you two million pisos kasi isang araw din itatagal ng party." hindi naman ako makapagsalita. Akala ko ay nagbibiro lang ito kagabi.
Kaya napatanga naman ako sa kaniya.
"Okay." pagpayag ko nakita ko naman ang gulat sa mukha nito. "Kailangan ko ng pera kaya huwag na huwag kong malalaman na ginogoyo mo ako at malilintikan ka talaga sa akin. At hindi mo din magugustuhan ang gagawin ko sa iyo sa oras na niloko mo ako." umiling naman si Rain at itinaas nito ang kanang kamay na tila ba ay nanunumpa.
"Two million pisos for one days work. And I'll behave, I promise."
"Okay, Basta magpapaalam ako sa amo ko na aabsent ako ng isang araw." tumango naman ito.
"Sure, sasamahan na lang kita kasi bukas na bukas ay pupunta na tayo doon sa party." kaya naman ay sumakay ako sa sasakyan nito at nagdrive ito papuntang Galaxies.
Mga ilang minuto naman na byahe ay nakarating na kami sa Galaxies kaya hinanap ko si Ma'am Sofia sa loob ng bar pero wala ito.
Kaya naman ay napatingin ako sa office nito at nagulat na lang ako dahil nakita ko si Rain na nakaFace mask at nakasombrero ulit.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko dito.
"I was protecting myself." nagtaka naman ako.
"Bakit naman?"
"You don't know me Naomi?"
"I know you, You're Rain right?" napabuntong-hinga naman si Rain kaya napatingin ako sa kaniya.
"So hindi mo pala nabasa ang magazine ng Starstream kaya hindi mo ako kilala?" umiling naman ako.
"So basahin mo na lang iyon mamaya kung tapos kana magpaalam sa amo mo." tumango naman ako at naglakad na kami papuntang office.
Kumatok muna ako at hinintay na sumagot si Ma'am Sabrina. Pero hindi naman nagtagal ay sumagot ito kaya pumasok kami ni Rain sa loob ng office nito.
"Oh, Naomi bat naparito ka?" sabi nito sa akin at tumingin sa kasama ko. Pero bumalik din ang mata nito sa akin.
"Ma'am pwede po bang um-absent bukas?" tanong ko kay Ma'am Sabrina.
"Anniversary ba ninyo ng kasintahan mo? Sure take a day off tomorrow. Ikaw lalaki ingatan mo iyang si Naomi. Kapag pinaiyak mo iyan, papaiyakin din kita."
"Ma'am Sabrina hindi—" naputol lang ang sasabihin ko kay Ma'am Sabrina ng magsalita si Rain.
"Don't worry po Ma'am ibabalik ko si Naomi rito nang buong-buo, pangako."
"Good." at lumabas na kami sa office ni Ma'am Sabrina.
Tumingin naman ako kay Rain. " Dito na lang muna ako sa Bar. Kailangan ko na rin na maglinis dito para naman pagka-alis ko ay malinis dito. Mauna ka ng umuwi." tumango naman ito at lalabas na sana ng tumingin si Rain ulit sa akin.
"I will fetch you tomorrow, be ready." at tuluyan na itong umalis sa bar.
Pagkaalis ni Rain ay naglinis muna ako sa buong paligid ng may makita akong isang magazine. Alam kong ito ay galing sa Starstream kaya binuklat ko ang unang pahina at nakita ko ang larawan ni Rain na nandoon.
Binasa ko naman iyon ng maigi.
Rain Villafuerte. A sole owner of Villafuerte Food Corporation, heir to his parents and grandparents land in different parts of the country.
"Grabe no? Sobrang yaman ni Rain Villafuerte." nagulat naman ako ng marinig ko iyon.
"Kanina ka pa ba sa likod ko Seren?" tumango naman ito at pinagpatuloy na ang sasabihin.
"Alam mo ba Naomi na Twenty-nine years old pa lang iyang si Rain ay isa na siyang bilyonaryo. Ang guwapo pa. No'ng nakita ko nga siya kagabi dito sa Bar ay namalikmata pa ako. Kung guwapo siya sa picture niya riyan, mas guwapo siya sa personal. Teka, ‘di ba ay ikaw ang kausap niya kagabi? Ano ang pakiramdam na makaharap ang isang guwapo at bilyonaryong tulad ni Rain, Naomi."
"Okay lang naman, Wala naman siyang ipinagkaiba sa mga ordinaryong tao." at ipinagpatuloy ko lang ang pagtitig sa litrato ni Rain na nakangiti sa magazine.
Kaya pala na tila barya lang sa kanya ang two million pisos, kasi bilyonaryo pala ito.
"Sige Seren, Salamat ha? Sayo ba ito?" tumango naman ito at binigay ko ang magazine sa kanya at pinagpatuloy na ang paglilinis.
"Naomi narinig ko pala kay Ma'am Sabrina na sinabing Anniversary ninyo ng Boyfriend mo bukas. Siya ba iyong kausap mo dito kanina na matangkad na lalaki na nakaFace mask at naka sombrero?" hindi naman ako magkapag-salita. Paano kaya kung malaman nila na si Rain Villafuerte iyon.
Ano kaya ang magiging reaction nilang lahat. Malabo atang malalaman nila iyon paghindi ko sinabi.
Atsaka wala naman silang karapatan malaman ang pinag-usapan namin ni Rain. Alam ko naman kung paano gumana ang utak ng mga tao, basta involved ang isang gaya ni Rain Villafuerte. Hindi malayong isipin ng lahat na masama akong tao.
"They wouldn't a give damn anyway." sabi ko pa sa isip ko.
Oh, well. Kung ano naman ang iisipin ng ibang tao, ay tama naman sila. Pero wala na akong pakialam doon. Basta bukas ay natitiyak kong mag-iiba na Ang buhay ko.