THIRD PERSON’S POV MULA nang magising si Tin-tin pansin ng mga magulang nito ang kakaibang ugali ng anak. Naging mainitin ang uli nito at hindi na rin ito palakibo. Madalas ding magkasama ang magpinsang si Devine at Tin-tin. Nahuhuli pa ang mga ito na nagbubulungan ang dalawa. Hindi naman naghihinala ang kahit na sino sa mga kaanak ng dalawa. Alam naman kasi ng mga ito na close talaga ang dalawa simula pa noong mga bata ang mga ito. “Devine, puwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Dominic sa dalaga. Tinitignan lang ni Devine si Dominic, na para bang hindi nito kilala ang binata. “Devine?” “Kung ang itatanong mo ay kung saan ako nagpunta hindi ko sasabihin sa’yo. Maganda na rin wala kang alam kung saan ako nagpunta baka hindi mo pa magustuhan kung saan ako nagtungo,’ sagot ni Devine

