FLASHES OF MEMORIES rushing in my head as soon the ball of light came inside my body. Nakikita ko ang sarili ko o baka si Mirasol the bruha itong nakikita ko ngayon. Nakatayo siya sa isang burol, pero alam kong hindi ito ang burol sa San Andres. Ngayon ko lang nakita ang lugar na ito, mataas at sobrang nakakatakot ang burol kung nasaan si Mirasol. Sa ibaba noon ay dagat na mayroong mga matutulis na bato. Malamang si Mirasol the bruha ang nakikita ko hindi ako magdadamit ng baro’t saya na old fashion. Iniisip ko pa lang ngangati na ang buong katawan ko. Malinaw kong nakikita kung ano ang kaniyang ginagawa. Para akong nanonood ng drama nito na may pa drone cameras pa sa paligid. “Akin ka lang Teofelo,” ani Mirasol. Kung naigagalaw ko lang ang katawan ko kahit na mga kilay ko na lang

