“KAKAUSAPIN ko si Devine,” aniko kay Teofelo. Nasa tapat na kami ng apartment ko pero hindi Pa kami bumababa ng sasakyan. Si Manong Gardo lang ang nasa labas habang nag-uusap Pa kami ni Teofelo. “Kung anoman ang iyong desisyon ay nasa likod mo lamang ako, mahal ko.” Huminga ako ng malalim, tumingin ako sa apartment namin. Gabi na kami nagpasyang umuwi ni Teofelo. Kumain muna kami ng hapunan bago niya ako ihatid pauwi. Pero ang totoo niyan, ayoko lang umuwi ng maaga dahil alam kong nasa bahay na si Devine ng ganitong araw. Tuwing Friday kasi umuuwi sila Devine at Kuya Nic ng San Andres. Hindi katulad ko na uuwi lang kapag natapos na ang semester. Babalik naman sila Kuya Nic at Devine kapag linggo ng hapon. Marahang hinawakan at pinisil ni Teofelo ang kanang kamay ko. “Kung mayroo

