“ANG weird ng panaginip ko. May kasama daw akong babae na hindi ko kilala, tapos hindi ko rin kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, basta ang dilim-dilim ng paligid ko. Ang pinaka-weird pa sa lahat nahulog ako Lang naman ako sa higaan ko kasi iyong ang nangyari sa panaginip ko,” kuwento ko. Nasa hapag-kainin na kaming buong mag-anak at nag-aagahan. “Tigilan mo na ang panonood ng Korean-korean na iyan. Kung ano-ano naiisip mo,” sagot naman ni Mommy. Sinimangutan ko si Mommy, hindi ko puwedeng gawin iyon. Para akong nagtaksil sa mga boyfriends ko. Magtatampo sila kapag hindi ko sila pinansin. “Mommy naman, e ‘di nagselos na mga boyfriend ko. Hindi puwede, baka bigla nila akong ipagpalit sa mga pangit na habol nang habol sa kanila,” pagmamaktol ko sa kaniya. Hindi nam

