KINABUKASAN, kapwa kami nanunuod ng palabas ni Lucho sa TV, muntik pa kaming mag-away dahil lang sa channel. Ang gusto kasi niyang panuorin ay football game samantalang ako ay horror movie pero dahil natinag ko siya ay ako ang nanalo. "Matagal pa ba iyan?" nababagot niyang tanong. "Pwede ba, Lucho huwag mong pinapakialaman ang panunuod ko. May TV, pa naman sa kwarto kaya roon ka manuod," sikmat ko sa kanya. Makikinuod tapos magrereklamo. Bwisit! "Ayoko, gusto ko dito lang ako sa tabi mo," tugon niya sabay lapit sa akin, imbes na mainis siya ay naglambing pa. Iba rin. "I love you, binibini ko." Hinalikan pa nito ang tuktok ng ulo ko. Nawala tuloy ako sa concentration. "Gutom na ako. Magluto ka na," Sa halip ay utos ko na lamang sa kanya upang kumalma ang puso kong nagwawala. "Okay,

