Sa loob ng limang araw na pananatili namin ni Lucho rito sa rest house ay ginagawa ko ang lahat para maging karapat-dapat sa puso niya. Pumayag ako sa isang linggo naming pananatili rito para mas makasama ko pa ng matagal si Lucho. Wala naman akong naririnig na kahit ano sa kanya siguro ay nagugustuhan naman niya ang mga ginagawa ko mula sa pagluluto at pag aasikaso ko sa kanya. At natutuwa naman ako dahil pakiramdam ko ay pabor din siya mga pinagagagawa ko. Pero may hindi ako maipaliwanag na damdamin kahit na wala naman akong naririnig na kahit anumang reklamo mula kay Lucho. Palagay ko'y may kulang pa rin kahit na ginagawa ko naman ang lahat. Kasama ko nga si Lucho pero parang may pader na nakapagitna sa aming dalawa at tila ba kay hirap niyang abutin. Ang mas masakit ay yung kasundo

