Masayang natapos ang munting salo-salo naming tatlo nina Demi at Timmy, tila hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakapagtapos na ako ng pag-aaral tuluyan na talagang nag iba ang takbo ng buhay ko. Sinong mag aakala na ang dating escort girl ay isa ng Engineer ngayon maraming salamat talaga sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan. "Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Timmy sabay lapit sa akin dito sa balcony. Kasalukuyan kasi akong nagpapahangin dito at pinagmamasdan ang mga bituin at ang buwan sa kalangitan. "Maya-maya na hindi pa naman ako inaantok, e," tugon ko sa kaibigan. "Pupunta ka na ba bukas sa, Innocencio Holdings ?" tanong pa nito sa akin. Ang tukoy nitong Innocencio Holdings ay ang Firm na pagtatrabahuan ko at doon din ako nag OJT noong nag-aaral pa lamang ako. At dah

