Kakatapos lang namin kumain ni Lucho ng masarap na hapunan at ngayon ay kapwa namin pinagmamasdan ang karagatan. "Binibini ko, anong kasal ang gusto mo?" tanong niya sabay halik sa kanang balikat ko. Nakayakap kasi siya mula sa likuran ko at nakapatong ang baba niya sa balikat ko. "Simple lang, sexy ang mahalaga lang naman ay may basbas tayo mula sa Diyos at siyempre sa pamilya mo," tugon ko naman sa kanya. "I can't wait to marry you, Vee parang gusto na tuloy bumilis ang mga oras at araw." Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Atat siya, e. "Huwag kang atat masyado, sexy baka magsawa ka agad niyan," sabi ko pa. "Magsawa saan?" tanong pa niya. "Sa pagsasama natin at sa akin," tugon ko naman. "Don't think that, dahil simula sa araw na ito ay ikaw na ang buhay ko," buong puso naman

