Olive's pov WALA na akong inaksaya pang oras. Kaagad akong nagtungo sa bahay ni Xavier sa Maynila lalo na at mga katulong lang naman ang mga nandun. Wala namang alam ang mga ito kung ano ang nangyayari maliban sa alam ng mga ito na ikakasal na kami at may anak. "Good morning Ma'am Olive," bati sa akin ni Manang. Tatlo ang katulong ni Xavier kahit pa wala naman ito sa Maynila. "Good morning. Kumusta kayo rito?" tanong kong akala mo ay concern. "Okay naman po. Hindi ninyo kasama si Sir Xavier?" "Busy sa election kaya ako nalang ang lumuwas. Isa walang kasama ang anak namin. Kailangan ko kasing makipag-usap sa wedding coordinator namin," dagdag ko. "Ganun po ba?" "Oo," sagot kong tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. "Gusto niyo po bang maghanda ako ng pagkain?" "Mamaya na Manang

