Gean’s pov “Gean,” tawag sa akin ni Ryan nang makalapit sila sa amin. “Si Mama Monica,” pakilala niya sa akin. “Hi po,” tanging naisagot ko. Mukha namang mabait ang babae pero naiilang lng talaga ako. Siguro ay dahil ito ang unang beses naming pagkikita. “Kumusta ka? Mabuti naman at nakaligtas kayo,” ani pa ng babaeng nagngangalang Monica. “Mabuti na lang po at iniligtas ako ng inyong mga anak. Salamat,” sagot ko. Si Papa ay hindi magawang sumagot sa aming pag-uusap. Naiiling siguro ito sa sitwasyon. “Ang mahalaga at nakabalik ka na,” wika pa ng babae. “Monica!” tinig iyon ni Mama. Inaalis nito ang suot na gloves at lumapit sa amin. Sa tingin ko ay mukhang kasundo naman nito ang babae ni Papa. “Gean, anak. Siya ang Tita Monica mo,” ani pa sa akin ni Mama kaya tumango ako. “Nice meet

