Ryan’s pov SIMULA nang makita si Martha ay hindi ko na ito tinigilan pa. Walang araw yata na hindi ko siya tinatawagan upang kumustahin. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang maging ganito sa isang babae. Palaging ito ang lamang ng aking isipan kahit saan man ako magpunta. Kanina pa ako sa labas ng ospital na pinagtratrabahuan ni Martha. Tinawagan ko ito upang sunduin, mabuti na lamang at pumayag si Martha na pagbigyan ako. Siguro dahil nakukulitan siya sa akin. Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang makita ko siyang palabas hawak ko ang isang bungkos na bulaklak para sa kanya. Ang ngiti sa labi ko ay nawala nang makita ko ang doctor na kasama nito----si Dr. Santi. Kahit may naramdaman akong selos ay hindi ko pinansin lalo na nag lumapit sa akin si Martha. Ang ngiti sa ka

