CHAPTER FORTY-SEVEN Gean's pov TULONG-TULONG kami sa mga gawain sa bahay para lamang may makain kami sa araw-araw dahil na rin sa sitwasyon namin. Hindi na nakakalayo pa sina Omar at Yael at baka may makakita pa sa mga ito. Kung ano ang supply naming pagkain ay yun ang aming kinakain. Lalong naging mahirap ang aming araw-araw na buhay dahil sa limitasyon na pwede naming gawin kaya pinaplano na namin na lisanin ang lugar at makipagsapalaran. “Gean,” tawag sa akin ni Omar kaya napangiti ako sa kanya. Nilapitan ako ng aking kapatid. “Hindi pa pala ako nakakahingi ng tawad sayo kung nasigawan kita. Dala ng takot na baka mapahamak si Nanay ay naga wa ko yun,” nahihiyang wika ni Omar sa akin. “Okay lang yun… Naiintindihan ko naman. Mas okay nga yun dahil dala ng emosyon mo ay nasabi mo sa a

