Nakatitig lang ako sa Mommy niya at hindi ko alam ang aking gagawin. Nagwawala pa rin ito simula kanina at nakikiusap na huwag daw sasaktan. Si Haussen naman ay lumuluha habang nakatingin sa kanyang Ina. Nakikita ko sa mata niya ang sakit na kanyang nararamdaman, kahit sino naman siguro ay masasaktan kapag ganito ang kalagayan ng Ina. Hindi ko rin alam kung paano ko kakausapin si Haussen dahil sa nag eemote ito, mamaya baka masigawan pa ako nito. Nakita ko rin na napa tiimbagang siya sa galit, sinisisi niya ang kanyang Ama sa nangyati sa kanyang Ina. Nakaawa naman si Haussen, wala siyang mapagkwentuhan kung ano talaga ang nararamdaman niya dahil ayaw nitong baka ano ang sabihin ng mga tao sa kanya. He wants to protect his dignity. Nakaupo lamang ako sa isang sulok habang palipat lipat ng t

