Umupo kami sa garden nina Sanda at Fiona. Nakaramdam ako na parang tinatawag ako ng kalikasan kaya nagpaalam ako sa kanila para magbanyo.
Pagkapasok ko sa banyo ay wala kahit isang tao. "Buti naman makakaraos talaga ako nang maayos," sabi ko.
Pumasok na ako at ginawa ang dapat kong gawin. Nang makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng ingay sa labas.
Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng cr nang may biglang bumuhos sa'kin na napakalagkit.
"Ano to? Yuck nakakadiri," sambit ko.
Pano na to? Wala pa naman akong extrang uniform!
Gusto ko sanang lumabas na pero nahihiya ako sa mga makakita sa'kin.
Kapag maghihintay din naman ako sa loob ganon pa rin naman. Wala pa ring magbabago.
Naglakas loob akong lumabas.
Nang makita ako ng mga estudyante ay halos mamatay sila sa tawa.
Hindi kolang ito pinansin.
Dumiretso lang ako sa paglalakad.
May natapakan akong isang madulas na bagay at bumulagta ako sa buong hallway.
"Bagay lang yan sakanya," sabi ng isang babae.
Halos hindi ako makatayo dahil sa sakit ng balakang ko.
May nakita akong isang lalaking papalapit sa'kin. Kinuha niya ang basurahan at ibinuhos sa'kin ang laman.
Tawang-tawa pa rin sila. Gusto ko ng umiyak.
Sobrang nahihiya na ako at kailangan ko ng lumisan sa lugar na iyon.
Dali-dali akong tumayo at tumakbo nang mabilis.
Lahat ng mga taong nadadaanan ko ay halos mamatay sa kakatawa dahil sa itsura ko.
Nagdesisyon akong umuwi dahil hindi ko na nakayanan.
Sobrang nagsisi ako na nakipag-away ako at hindi umiwas.
Nadatnan ko si Mama at Papa na nanunuod ng tv. Sobrang nagtaka sila. "Ano ang nangyari sayo Anak," nag-aalalang sabi ni Papa.
Hindi na ako sumagot. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at humagulgol nalang sa iyak.
Pinaupo ako ni Papa at binigyan ako ni Mama ng tubig.
Doon ko isinalaysay sa kanila ang buong pangyayari.
"Sinasabi ko na kasi sayo e na mag-ayos ka para hindi ka mabully!” galit na sabi sa'kin ni Mama.
"Wag mo nang pagalitan si Phoebe," awat ni Papa sakanya.
"Hay naku palibhasa kasi kinakampihan mo pa, oh siya magbihis ka na! Tingnan mo nga ang sarili mo tapos ang baho mo pa," sabi ni Mama.
Agad naman akong pumasok sa kwarto ko.
Buong magdamag lang akong umiyak nang umiyak. Hindi ko namalayan na nakatulog nalang ako sa sobrang sama nang loob ko.
(*Haussen POV*)
Sobra akong na stress at napahiya dahil sa ginawa ng babaeng pangit na iyon!
Halos mamatay ako sa tawa nang makita ko ang itsura niya kahapon, halatang naiiyak na ito.
Ngayon andito kami ng aking mga kaibigan sa cafeteria.
Gaya nang dati nagtitilian na naman ang babae sa t'wing nakikita nila kami.
Biglang nagsalita si Lance. "Anong balita doon sa babaeng nerd na iyon kahapon?" tanong nito.
Sumagot naman si Kevin. "Wala na, hindi ko pa nga nababalitaan na dumating na siya ngayon dito sa Max Ford e," sabi niya.
Sumingit naman si Winter. "Tsk! Kawawa naman siya," sabi niya.
Napangisi lang ako. "Bagay lang iyon sakanya, ang tapang palibhasa babae kaya hindi ko mapatulan e," sabi ko.
"Haussen!” may tumawag sa'kin.
"Hmmm... ano na ang balita sa pinapagawa ko sayo?" sabi ko.
"Ang pangalan niya ay Phobe Tan at nasa room 13 section A. Isa sa nagkaroon nang scholarship," sabi niya. "At siya ay Mass Communication student," dagdag pa nito.
Tumango lang ako.
“Matalino daw sobra,” dagdag pa ng reporter ko.
Matalino pala ha!
"That's it?" tanong ko.
"Yes," sagot niya.
"Sige makakaalis kana," sabi ko.
Umalis na siya. Maya-maya pa papalapit na naman ang isang babaeng inutusan ko na mag spy sa babaeng nerd na yon na si Phoebe.
"Haussen papunta na siya rito," sabi nito.
Ngumisi lang ako.
Namataan ko na papalapit siya kasama ang kanyang dalawang kaibigan.
"She's coming Haussen," bulong ni Winter.
Umupo sila sa bakanteng upuan.
Tumayo ako para lapitan sila.
"Kamusta? Pwedi mo bang ishare sa'kin kung ano ang nangyari sayo kahapon," pagloloko ko sakanya.
Hindi lang ito umimik.
Napansin ko ang dalawa niyang kaibigan na halatang natatakot. "Kayong dalawa umalis kayo rito kung ayaw niyong madamay!" sigaw ko.
Lahat ng estudyante nakatingin lang sa'min yung iba nag binibidyuhan pa kami.
Tumayo ang kanyang mga kaibigan para umalis, akma na rin sana siyang tatayo pero pinigilan ko siya.
"Saan ka pupunta? Hindi pa nga tayo tapos mag-usap e," sabi ko.
Tiningnan lang niya ako. "Ayaw kitang kausap," matipid niyang sagot.
"Eh gusto ko e bakit? Papalag ka?" sabi ko sakanya.
"Ayaw ko nang gulo Mr.Smith," sabi nito.
Humalakhak lang ako. "Talaga?! Ayaw mo nang gulo? Eh nagpakitang gilas kana e," sabi ko naman sakanya.
"Sorry," sabi niya.
"Ano?! Ulitin mo," sabi ko naman.
Tiningnan niya ako. Napakaseryoso ng mukha niya.
"Ang sabi ko sorry," sabi pa nito.
Umiling iling ako. "Hindi ako nagtatanggap ng sorry e paano na iyan?" sabi ko pa sakanya.
"Wala na akong pakialam doon ang importante nag sorry na ako! Ayoko ko nang gulo kaya pakiusap tigilan niyo na ako," sabi niya.
Para na siyang naiiyak.
"Okay kung iyon ang gusto mo," sabi ko.
"Salamat!" sabi niya pa.
Hinawakan ko siya sa braso at hinila palabas ng cafeteria.
"Teka ano naman ang gagawin mo!" sigaw nito.
"May pag-uusapan lang tayo ugly nerd," sabi ko.
Dinala ko siya sa rooftop kung saan kaming dalawa lang ang tao.
Pagkarating namin doon agad ko siyang binitiwan.
"Ano ang gagawin mo sa'kin? Nagsorry na ako para ‘wag niyo na akong guluhin," sabi niya. "Gusto ko mag-aral nang maayos kaya kung pwedi lang lubayan niyo na ako," sabi niya pa.
Ngumisi lang ako sakanya. "Sige tatanggapin ko ang sorry mo pero gagawin mo ang gusto ko," sabi ko.
"Ano? Bakit ako? Madami pa naman jan na pwedi mong utusan ‘wag lang ako," sabi niya.
"Kung gusto na titigilan kita sundin mo ang gusto ko dahil kung hindi," sabi ko naman.
"Dahil kung hindi ano?" sagot niya.
"Dahil kong hindi araw araw kong gagawin na impyerno ang buhay mo dito sa Max Ford," pagbabanta ko sakanya.
Bigla naman siyang napatigil. "Oh sige ano ba ang gusto mong mangyari?" tanong niya. "Pero please lang ‘wag molang pagnasaan ang katawan ko," dagdag pa niya.
Bigla naman akong napatawa. "Hindi ako interesado sa katawan mo no." Sabay halakhak ko ng todo.
"Eh ano na nga ang kailangan mo? Bakit kasi di mo nalang ako diretsuhin," sabi niya.
"Gusto kong ikaw ang gumawa ng mga projects ko," sabi ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Hello ba’t naman ako papayag?" sabi niya.
"Kung papayag ka, nangangako ako na wala nang manggugulo sayo at kung meron man ako ang makakalaban nila," sabi ko.
Napaisip siya.
"Pag-isipan mo nang mabuti hanggang bukas." Sabay lakad ko palayo sakanya.
Naiwan siya sa rooftop.
Dapat lang sundin niya ang gusto ko dahil kung hindi ay malalagot siya.