TWO YEARS LATER... Sobrang hirap kalimutan ang unang pag-ibig lalo na kung minahal mo ng sobra ang isang tao. Nang matapos ang gabing may nangyari sa amin ni Haussen ay hindi na ako dumalo sa kanyang kasal. Para saan pa? Para lang masaktan ako? Ang balita ko pagka graduate namin ay lumipad na sila sa L.A ni Cassandra at doon nagsimuoang mamuhay ng matiwasay. Masaya rin ako para sa pamilya niya ngayon kahit na may kirot aking nararamdaman sa aking dibdib kapag naalala ko siya. Nakatitig ako ngayon sa aking anak na mahimbing na natutulog. Napaka gwapo ng anak ko, isa itong magandang alaala na iniwan ni Haussen sa akin. Hindi ko na ipinaalam sa kanya na nabuntis ako pagkatapos ng nangyari sa amin. Now, i am a professional na, isa na akong sikat na kilalang news caster. Si Lance naman ay isan

