Ang saya namin dahil nailabas ni Sandra ng matiwasay ang kanyang lalaking anak. Nandiyo kami ngayon ni Fiona at piang mamasadan siya habang natuutulog. Bakasa kay Sandra na napagod ito sa sobrang sakit at pag-ire. Ang bata naman ay nasa kanyang tabi at mahimbing na natutulog din. Tinawagan ko sina Mama at Papa at ibinalita sa kanila ang lahat. Nang malaman nila ito ay nagsabi naman sila sa akin na pupuntahan nila kami ni Sandra. Ang cute ng anak ni Sandta ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kamuka nito si Winter. Parang nagdadalawang-isip ako kung ang stepdad ba niya talaga ang totoong tatay ng kanyang anak o si Winter. Nakatitig lang ako sa bata, kuhang-kuha talaga nito ang lahat ng itduta ni Winter. Ang matangos nitong ilong, ang labi at ang nga mata. "Phoeb, kanina kapa ata nakatitig

