Hindi kami nakapag salita ng isalaysay sa amin ni Sandra ang mga pangyayari. Alam na din namin ang dahilan kung bakit siya na collapse ng ganoon na lang. Walang hiya talaga sina Winter at Cassansra, talagang nakipag sabwatan pa sila sa isa't-isa. Noon pa lang nakikita nang may gusto si Winter kay Sandra. Nang dahil lang pala sa vedio na iyon kaya bigkang nagbago ang ugali nito. Akala ko fake siyang kaibigan pero hindi pala. Lahat ng iyon ay ginawa niya para lang protektahan ang kanyang sarili at hindi mapahiya. Sising sisi ako dahil hindi ko manlang inaalam ang sitwasyon niya bago ko siya jinudge. Nandito pa rin kami ngayon sa ospital at nag-iiyakan. Natatakot din si Fiona na mangialam sa problema ni Sandra dahil baka daw madamay ang mga magulang at kapatid niya. Ako, ganoon din ang iniisi

