Hindi ko alam kung paano ako magpasalamat sa ginawa ni Lance para sa akin. He save my future, at hindi ko ini-expect iyon. Kasama ko siya ngayon na nahlalakad dito sa may playground, as in kaming dalawa lang. Hindi kami nag-uusap dahil hindi ko naman alam kung ano ang una kong sasabihin. Tumikhim ako at lumunok ng aking laway. "Lance," tawag ko sa pangalan niya. Napahinto siya sa paglakad at tumingin sa akin. "Salamat nga pala sa lahat ha, sa ginawa mo kanina para sa akin. Hindi ko ini-expect na darating ka at magmamakaawa din sa kanila. Alam ko naman na gusto mo akong tulungan pero pati ba naman iyon? Nahihiya na ako sa iyo," sabi ko. Ngumiti siya sa akin. "Hindi ka dapat mahiya, alam mo isang beses ko lang iyon na gawin. Nextime, kapag paalisin kana nila ulit wala na akong magagawa

