Nowhere to be Found Champagne's POV Nahiga ako sa isang malambot na kama, katabi si Carlie. Sa kabila ng kwartong tinutuluyan namin ay naroon sila Bubble at Myrtle. Si Hueri, kasama si Moirann at Silver. Sa aming lahat, kay Silver lang dumidikit si Hueri. Ni hindi ko pa nga naririnig ang boses niya dahil kung magsalita man siya, pabulong iyon at tila si Silver lang ang nakakarinig. "She's been from her home for a long time. Siguro ay nahihirapan siya mag adjust." bungad ni Bubblegum. "Silver told me that Hueri never gained friends. Iyong mga kumupkop sa kanya ay inabuso siya at inalipin. Kaya tumakas siya at nagtago sa abandonadong bahay ay balak siyang ipagbili dahil sa kapangyarihan at dugo niyang kakaiba." dagdag pa nito at napabuntong hininga ako. "Silver already saw her in his

