Shining with Glitters Champagne's POV Ang dilim, pero alam kong nakamulat na aking mata kaso wala pa rin talaga akong makita. "Ugh, Az..... este Teal?!" tangis ko ng maalala ang mga nangyari. Posible kayang patay na ako? O dinukot ng walangyang si Lilith ang magagandang kong mata? "Chammy?! Chammy?!" I heard Carlie voice. Kahit na nangangapa ay pinilit kong makatayo ng sumandal ang likod ko sa isang pader. "Oh my Coonies!" napatalon ako ng biglaang lumiwanag at makita ang sarili kong nakasandal malapit kay Azure na sugatan. "Sht. Sht." lahat kami ay madungis ang itsura at nasa iisang kwarto na wala ni kahit ano, pinto o bintana. Parang malawak ito dahil hindi sakop ng maliit na Flame Torch ni Carlie ang kabuuan ng kinaroroonan namin. "Teka may malala bang nasaktan?" I asked them

