Catley POV " Halika na." Nahila nya ko palabas. " Teka ung wallet ko." Balak kong balikan yung napag tindahan ko sayang din kasi yung pera, pero may kamay na humawak sa braso ko. " Wag ka ng bumalik." Isang lalaki na may katangkaran ang pumigil sa akin. Di ko na nakita pa yung binatilyong tinulungan ko. Ito yung time na may sasabog sa loob at maraming namatay. Kung babaguhin ko ang mga pangyayari baka di ko na makita pa ang mga anak ko. Hanggang sa napag desisyunan kong wag ng pumasok sa lumang bodega at umuwi na lang. " Nak may problema ba? Di mo pa nagagalaw yang kanin at ulam mo. May masakit ba sayo?" tanong ni Nanay Mildred " Nay saan po si tatay Domek?" Tanong ko. Kanina ko pa sya di nakikita. " Naku yang tatay mo ayun at naglalako din ng isda sa palengke." sagot ni Nanay.

