Catley POV " Ddy nariyan ka na pala." Binitawan nya na ang phone ko saka sya walang imik na pumasok sa banyo. Nakakapagtaka man pero binalewala ko na lang din. Habang nagsusuklay ako ay tahimik lang din syang nag tungo sa closet at nag bihis. Nahiga na sya sa kama. Binuksan ko ang phone ko at laking gulat ko ng may ibang number na nag text sa akin. +639.........: Hi Catley. Zapier to " Zap?" Di ko namalayang nasambit ko pala at narinig pa ni Akio. " Ex mo?" Galit na tanong sa akin ni Akio. Naupo pa sya at hinarap ako. " Ha?? Ah oo." sagot ko naman sa kanya. Ano ba yan bakit bigla akong kinabahan. " Bukas na bukas din mag palit ka na ng number." ma awtoridad na sambit ni Akio saka sya tumalikod at na higa na ulit. " Magpalit bakit?" tanong ko naman sa kanya. Hindi na sya kumib

