Catley POV " Heaven ang sabi ng Doctor successful ang operation mo sa mata. Paanong di ka pa rin makakita?" pagtatakang tanong sa akin ni Philip. Nandito kasi sya sa Japan dahil binisita nya ako. Ngayong araw kasi aalisin na ang naka takip sa aking mga mata. " Nasanay ka na talagang Heaven ang itawag sa akin ah." Nakatingin ako ngayon sa kanya. Alam kong nagtataka sya. " I'm sorry Catley na sanay lang ako. Ilang tanon rin kasing yun ang pag ka kilala ko sayo. Talaga bang bulag ka pa rin? Nanlilisik kasi yang mata mo sa akin. At talagang nakatingin ka pa sa akin ngayon ah?" si Philip na kakamot kamot pa ng kanyang sintido. " Nakikita kita." pagtatapat ko sa kanya. Masaya akong makita ulit silang lahat. Matagal ko ng binalak na magpanggap na bulag pa rin kay Akio kapag na operahan na ako

