*Azalia's point of view*
"Saab kayo pupunta? "kunot-noong tanong ko nang lumabas sila ng pinto.
"Uuwi."sagot ni Sooyoon.
"Eh?"
Napaamang ako sa sagot nya. Grabi umuwi lang ung tatlo kumaripas din tong dalawa pambihira.
"Eh sige, bye na"
Natatawang paalam ni Hyuna bago ako hinalikan sa pisnge at tuluyan na silang nawala sa paningin ko.
"Anak ka nang!Aishhh!"
Inis akong tumalikod at umakyat ng hagdan at syempre nag tanong na naman ang demonyong angel.
"Saan ka pupunta?"tanong nya.
"Itatanong pa ba yan malamang sa kwarto ko."
Inis kong sagot bago humakbang pataas bawat yabag ko ang bibigat tuwing naiisip ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko kanina no'ng kindatan niya ako.
"Damn it! It's f*****g impossible to fall in love with him "
Patakbo kong tinahak ang kwarto ko at binuksan at nilock. Nahiga agad ako sa Kama ko bago nagisip-isip.
"If I'm in love then why I hate him? "
Baliw na ata ako wala namang kausap tsk.bahala na nga. Umayus ako ng higa bago pumikit. Sana maganda naman panaginip ko.
*DREAMS*
"Mahal kita pero mas mahal ko siya" Sabi no'ng lalaki.
"Bakit? Ang sabi mo magpapakasal pa tayo bakit ganito? " Umiiyak kong sagot.
*END OF DREAMS*
Habol ko ang paghinga ko dahil sa panaginip kong nakakawasak ng puso kingina umpisa palang diko na nagustohan kaya pinutol ko.
"Bakit kailangan na ganun ang panaginip ko?"tanong ko sa sarili ko habang hawak ang dibdib ko na napakalakas ng kabog nito.
"Baby Kambal?"dinig kong tawag sa akin ni Axel.
Mangungulit na namn ba to?
"Bakit?"tanong ko ng makapasok sya sa silid ko.
Nilock ko bakit niya nabuksan?
"Pinagtataka mo siguro kung bakit ako nakapasok?" Tanong niya habang nakangiti. Tumango ako.
"May susi ako ng kwarto mo."sabi nya na ikinagulat ko.
"tsk..Bakit may susi ka ng kwarto ko?"takang tanong ko.
"Wala lang."sagot nya. Siraulo din.
"Anong sadya mo dito?"buntong hiningang tanong ko.
"Gusto mo sumama?"tanong nya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Where?"walang ganang sagot ko.
"Kakain sa labas."napairap ako sa sinabi nya. Pagkain lang pala.
"Sige hintayin mo ako sa baba maliligo lang ako, by the way anong oras na?"tanong ko kasi parang ang bilis lang ng tulog ko eh.
"6:30pm"sagot nya.
"Ang bilis"Napakamot ako sa ulo ko. Kinuha ko na ang tuwalya at pumasok sa cr para maligo.
Matapos akong maligo nagsuot ako jeans at crop top na sando. Sinuot ko na ang heels na regalo ni Dad nisukbit ko na rin ang shoulder bag ko bago lumabas. Pagkababa ko sa hagdan hindi ko nakita si Axel kaya lumabas na lang ako at nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng kotse habang Nakayuko.
"Tara"Bungad ko ng makalapit ako sa kanya.
Tiningnan niya ako mula sa paa hanggang mukha. "You look so beautiful sister."Nakangisi siyang nakatingin sa akin bago ako pinagbuksan ng pinto. Pailing akong pumasok sa kotse.
Kakain lang sa labas? Grabi na ang suot tsk
"For the first time you called me sister,ha"natatawang sabi ko habang nakatingin sa kanya ngumisi siyang tumingin sa akin.
"Di'kana kasi Baby eh." Tumawa sya na ikinainis ko.
"Tara na" Utos ko sa kanya at nag seatbelt.
Nagumpisa na syang magmaneho palabas ng gate. Tahimik lang kami sa Kotse walang nagsasalita ni-isa saamin.
*Calling Unknown number*
Napataas ang kilay ko ng makita ang numero na tumatawag sa akin. Sinagot ko iyon. "Who's this? " Masungit kong sabi.
"Pati ba naman sa tawag masungit ka pa rin." Napataas na namn ang kilay ko ng marinig ang sinabi nung guy.
"Excuse me?"inis kong sabi.
"Tsk,Akala ko ba matalino ka?"sabi niya kaya napasinghap ako sa inis.
Tining ko si Axel nagpipigil sya tawa habang nagmamaneho. "Unggoy is that you? "tanong ko sa kausap ko.
"Sinabi ng hindi unggoy ang pangalan ko."inis niyang sagot.
"Ikaw na nga tumawag ikaw pagalit?!"inis kong sabi.
'Humanda ka saakin mamaya'
"Miss na miss na kita sungit."hindi ko alam kong matutuwa ako o maiinis. Bumilis na namn ang t***k ng puso ko. Lintik talaga!
"Byee na!"inis kong sabi.
"San-----"hindi nya natuloy ang sa sabihin ng ibaba ko linya.
"Hoy Axel!"sigaw ko sa kanya ng ipark niya ang kotse sa isang puno.
"Bakit?"sabi nya ng makalabas sya at pinagbuksan ako.
"Bakit mo binigay ang number ko?" Inis kong sabi.
"Ayaw mo ba?"tanong nya habang natatawa.
"Obvious naman diba?"naiinis na talaga ako.
"Pero gusto niya kaya tara na."sabi nya padabog akong sumunod sakaniya.
"Hi pre!"Napaangat ako ng ulo ng makita yung Yohan na maliit. Ang lait ko talaga.
"Hi.." tipid na sagot ni Axel.
Nabaling ang paningin niya sa akin mula ulo hanggang paa tiningnan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay napa face palm nalang siya.
"Tara na."yaya nung Yohan. ngayon ko lang napansin na maraming ilaw dito at maraming puno.
Pagkarating namin sa dulo kong saan may mahabang lamesa at anim na upuan. Bumungad sa harapan namin si Xenon na nakangiti.
"Bakit wala si Hajiro?" Tanong ko saka nila habang nagpalinga-linga. Nanunuksong tumingin sa akin si Axel habang ang dalawa nakangiti sa akin.
"Namiss mo naman ako agad."
Gulat akong napatingin sa likuran ko ng may nagsalita nang makatingin ako kay Hajiro na ngayon ay nakangiti.
Nagsmirk ako bago ko sya kiniwelyuhan . "Ikaw?bukod sa assuming ka?!pati number ko kinukuha mo,Ano isusunod mo ako?!"Pagdidiniin ko inawat ako ni Axel.
" O-Oo k-kung pwede..."sabi nya habang habol ang paghinga.
Tangina nakukunsensya ako 'di yata makahinga kingina. Kasi naman eh.
"Uyyy ang drama mo!"inis kong sabi.
"Manahimik ka nga Azalia tingnan mo,oh wala naman ginawa sayo ang tao ginaganyan mo." sabi sa akin ni Axel at pinainom ng tubig si Hajiro.
"S-Sorry Hajiro" nagsusumamo kong sabi.
Di'n'ya ako pinansin nakahawak parin sya sa dibdib nya. Naiiyak ako Letche! "Hajiro sorry kasi naman ikaw eh"sabi ko.
"Sinisisi mo pa.." inis na sabi ni Yohan sa akin.
Torture to sa akin..
Hajiro 's point of view.*
Natatawa na lang akong kay Azalia naiiyak s'yang nag so sorry sa akin pero syempre pinipigilan ko ang tawa ko para naman magawa namin ang plano kasama dito sa plano ang tatlo.
*Flashback *
Tinawagan ko ang tatlo sumagot naman sila. "Bakit ka napa tawag Clinton?"tanong ni Yohan
"Oo nga"isa pa tong Xenon na to buti pa si Axel tahimik na naghihintay sa sasabihin ko
"May plano ako kay Azalia aware naman siguro kayo diba?"sabi ko. Kumunot ang noo ni Axel. patay.
"Axel wag kang magagalit ha, I think I'm in love with your sister."nahihiya kong sabi.
"Lakas umamin.."pang-aasar ni Yohan.
"Sabi ko na nga ba."Napapailing na sabi ni Xenon.
"A-Axel"kinakabahan nako alam ko kasing protective kakambal yan eh lalo't kay Azalia.
"Alam ko na.."tipid n'yang sabi na ikinagulat ko.
"Kailan?"tanong ko.
"Kanina grabi ka makatingin sa sister ko." singhal niya.
Napalunok nalang ako. Nakita noya pala 'yon tsk. "Okay lang sayo Axel?"tanong ko ulit mabuti na 'yong handa no'.
"Oo, sa isang kondisyon. "sabi nya.
"What is it?"tanong ko.
"Don't hurt my sister or else.."binitin nya ang sinabi nya bago ulit nagsalita
"I kill you.."napalunok ako sa huling sinabi nya.
"I understand, I don't hurt your sister..I promise. "nakangiti kong sabi.
Nag-usap kami about sa plan ko mamaya 'coz I prepared a dinner for us. Natawa sila sa plano ko maging ako natawa rin.
Hiningi ko ang numero ni Azalia kay Axel na agad naman ibinigay nito. Ni-set ko ang numero niya sa contact ko (Azalia baby) natawa ako ng mabasa ang nilagay kong name niya sa Contact ko.
'tsk hanggang kailan kaya kita maasar at mamahalin'
*END OF FLASHBACK*
"Sorry Hajiro di'ko sinadya"narinig kong humikbi sya.
's**t napaiyak ko wala to sa plano! '
Agad ko syang niyakap ng maging malakas ang hikbi nya tangina! Hindi ko talaga alam kong bakit siya umiyak. Siguro nakunsensya sya.
"It's a Prank Azalia..tahan na"pagtatahan ko sa kanya.
"Prank lang yon?"nakasimangot siyang humarap sa akin.
"Yes"nakangiti kong sabi.
"Ansama mo talaga pinakaba mo ako hayop ka at ikaw naman Axel pumayag ka sa prank na 'yan tangina ka alam mo naman na madali akong makunsensya hayop ka talaga!"sigaw niya sa kakambal niya, niyakap ko siya ng mahigpit sarap sa pakiramdam eh.
"Ikaw naman di'porket naiyak ako sa prank niyo ,eh pwede mo na akong yakap-yakapin."inis niyang sabi bago kumawala sa pagkayap ko.
"Sungit mo talaga.."sabi ko bago tumayo.
"Gutom na ako"sabi niya bago naupo sa upuan. Isa-isa kong binuksan ang pagkain sa lamesa bago tumabi sakanya.
"By the way, you look Beautiful tonight baby."nakangiting sabi ni Yohan. Narinig kong humagikhik si Xenon na tumingin sa akin.
Binatukan ko Yohan dahil malapit lang siya sa akin. "Anong baby?!"inis kong sabi.
"Joke langxeh,Jealous muchness ka naman."Sabi nya habang nakataas ang kamay niya na parang susuko na.
"Jealous much kasi yon hindi Jealous Muchness!"singhal ni Xenon.
Tumawa si Azalia dahilan para mapatitig ako sa kanya.
'Ang ganda nya pag ngumingiti'
"Wag mo akong titigan baka mabangungot ka."makahulugan na sabi ni Azalia.
"Okay lang mabangungot basta ikaw naman 'yon"taas noo kong sabi.
"Corny amp."natatawang Sabi ni Axel.
"Kumain na nga kayo.." seryusong sabi ni Azalia.
Marumi pala sya kumain at matakaw pa grabi nakailang fried chicken na siya. Natatawa nalang ako dahil kina kamay niya wala siyang arte di tulad ng iba.
Ay bakit ko ba sya kinukompara eh sa malamang at sa malamang kakaiba siya sa lahat. Ang maganda din siyang babae kahit walang make-up di tulad ng iba na nagmumukhang clown para lang mapansin.
"Bahala kang mabangungot yan."buntong hiningang Sabi nya.
"Kumain kana nalang."sabi ko bago inumpisahan ang kumain.
Someday masasabi ko rin sayo kong gaano kita kagusto at kamahal siguro nga ng dumating ka sa buhay ko tila nagbago ang lahat parang walang Khaira na nanakit sa puso ko kasi puro saya lang ang nararamdaman ko tuwing andyan ka kaasaran kahit napipikon ako sayo masaya parin ako.That's why I'm in love with you.
sana alam mo Azalia Sana...
"Tulala.."bungad sa akin ni Xenon.
"Kanina kapa dyan?"tanong ko.
"Hindi.."Umiling sya.
"Asan yung Tatlo?"tanong ko at tumayo.
"Andun nakaupo sa damuhan. Tara.."
Yaya niya sa akin sumunod naman ako. Nakita ko silang nakaupo habang si Azalia nakasandal kay Axel.
'Sana ako na lang yang sinasandalan mo'
"Pati ata kakambal pagseselosan jusko!"
Napapailing nyang sabi bago naupo sa tabi ni Yohan. Naupo ako sa tabi ni Azalia. habang nakatingin sakanya.
"Inaantok kana?"tanong ko. Tangina bakit 'yon pa na tanong ko jusme!
"Andami-daming tanong yan pa tinanong mo."Tumawa si Yohan. pinanlakihan ko siya ng mata kaya tumigil siya ka katawa. kainis talaga kasalanan ko bang kabado ako lagi pag dating sa kanya.
"Hindi pa" Sagot nya.
Napatango na lang ako bago tumingin sa mga bituin na kumikinang sa langit. Napakaganda no'ng mga yon kasing ganda ng minamahal ko.n.napangiti ako sa naisip ko.
"Baliw.."natatawa nyang sabi.
"Sayo"sagot ko
"Eh?" napaamang sya.
"este B-Bakit? "tanong ko.kingina umayos ka Hajiro.
"Wala ngumingiti mag-isa d**g's pa!"
"Hindi ako nagda-drugs!"inis kong sagot
"Bakit ka ngumingiti?"pambihira talaga.
"Pag-ngumingiti nakadrugs na ganun?diba pwede na may naisip lang nakakangiti." ansakit niya sa ulo.
"Sorry naman."Napairap pa siya sa akin.
"Mga pre, kailangan na naming umuwi" Biglang tayo ni axel.
"Inaantok narin kasi ako"dagdag niya.
"Ay sige,be careful" Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa. Binilatan lang ako ni Azalia.
'Kahit kailan talaga! '
Umuwi narin kaming Tatlo dahil inaantok nadin sila ayaw ko naman maiwan magisa dito sa may Burol baka may makita akong white lady.
NANG makasalampak ako sa kama agad akong pumikit para matulog.ang sarap talaga mabuhay pag in love.
'Even if I spent the whole day with you, I will miss you the second you leave. '
# Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage.