CHAPTER 16 GIDEON'S POV Tahimik ang buong bahay. Tanging tunog ng orasan sa sala ang maririnig—paulit-ulit, mabagal, parang sinasadyang ipaalala kung gaano kabigat ang bawat segundong lumilipas. Nasa sofa ako, nakasandal, nakatulala sa kisame. Basag ang ilaw sa bumbilya sa sulok, at walang ibang ilaw kundi ang malamlam na lampshade na binalutan ng scarf ni Arziel—isang bagay na palaging ginagawa niya para “mas cozy daw ang ambiance.” Amoy vanilla ang hangin, paborito niyang scented candle na laging nakasindi kahit araw. Kaninang umaga pa siya hindi nagsasalita. Pagkagising namin, hindi niya ako kinibo. Tahimik siyang nagluto ng almusal—fried rice, scrambled eggs, at hotdog. Paborito ko 'yon, pero parang wala itong lasa kanina. Hinain niya iyon sa mesa, walang salita, walang tingin, at

