NIGHT OUT

1536 Words

Chapter 12 ARZIEL'S POV Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, sa tampo, o dahil ayoko lang talaga siyang makita. Wala akong gana sa kahit ano. Hindi ko rin namalayang lumagpas na pala ang tanghali—hindi ako bumaba para kumain, hindi ko rin sinasagot ang mga katok sa pinto. Ilang beses siyang kumatok. “Arzi… kain na. Nagluto ako ng paborito mong sinigang,” bungad niya bago ang alas-dose. Hindi ako sumagot. Maya-maya, marahang katok ulit. “Okay ka lang ba?” Wala pa rin akong imik. Nakatalukbong ako ng kumot, nakayakap sa sarili. Nakatingin lang sa kisame. Pakiramdam ko, kahit sinigang pa ang ilagay sa harap ko, hindi mawawala ‘yung kirot sa dibdib ko. Ang hirap kasi kapag umaasa ka… tapos biglang mawawala ‘yung dahilan kung bakit ka umaasa. S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD