CHAPTER 10 ARZIEL'S POV Tahimik ang buong bahay nang bumaba ako mula sa hagdan. Maaga pa, pero ramdam ko na ang amoy ng pritong itlog at sinangag na parang unti-unting gumigising sa kaluluwa kong hindi pa rin nakaka-recover mula sa sermon kagabi. Pinakiramdaman ko ang paligid. Walang tunog maliban sa mahihinang kaluskos mula sa kusina—mga kutsarang tumatama sa kawali, ang apoy na bumubuga ng init sa ilalim ng kalan. At doon ko siya nakita. Nakatayo si Kuya Gideon, naka-gray shirt at boxers lang, nakapameywang habang hinahalo ang sinangag. Banayad ang kilos niya pero alam kong kabisado na niya 'yon. Parang ritual sa tuwing siya ang nauunang magising. At gaya ng dati, hindi niya ako tiningnan. Huminga ako nang malalim. Tinimbang kung lalapit ba ako o babalik na lang sa kwarto at magku

