ISLA ( mga damdaming hindi na kayang pigilan )

1167 Words

CHAPTER 27 ARZIEL'S POV Pagkagising ko, agad akong napangiti. Sa wakas—araw na ng alis namin. Sa unang pagkakataon, magkakaroon kami ni Gideon ng oras na kami lang. Walang panghihimasok, walang matang nagmamatyag, at higit sa lahat… walang Lea. Dali-dali akong bumangon, tinignan ang orasan. Alas-sais pa lang ng umaga. Maaga kaming aalis, ayon sa plano ni Gideon, para hindi kami maabutan ni Lea. Alam kong babad pa ‘yon sa tulog, lalo’t kagabi ay abala siya sa pakikipag-chat sa barkada nila. Mabilis akong naligo at nagbihis. Casual lang—puting crop top, denim shorts, at slip-on sandals. Pagkatapos ay bumalik ako sa maleta ko para tiyaking kumpleto ang mga gamit. Sunblock, shades, swimsuits, camera, at syempre… ilang paborito naming snacks. Pagkakataong makalayo. Pagkakataong hindi kaila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD